PNP nagbabala sa posibleng pagtaas ng nakawan dahil sa pagmahal ng bilihin

NAGBABALA ang Philippine National Police (PNP) na posibleng tumaas ang kaso ng robbery at theft sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
"The Philippine National Police acknowledges that it won't just stay a perception. It's possible that there'd be an increase in crimes against property," pahayag ni PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño sa ulay ng INQUIRER.
Pagtitiyak pa niya, pinalakas na ng PNP ang kanilang mga hakbang upang maiwasan ang pagdami ng krimen.
"Our number one intervention is police visibility so that the people can really feel that the Philippine National Police is there," sey ng tagapagsalita ng pulisya.
Baka Bet Mo: Mojtaba Khamenei bagong supreme leader ng Iran; tensyon patuloy sa Middle East
Sinabi rin ni Tuaño na patuloy ang pagbabahagi ng best practices sa pagitan ng iba't ibang Police Regional Offices upang mapigilan ang insidente ng nakawan at pagnanakaw.
Sa kabila nito, ipinagmalaki ng PNP na nakapagtala sila ng 6,377 insidente ng focus crimes mula January 1 hanggang March 12 nitong taon.
Mas mababa ito ng 12.66 porsyento kumpara sa 7,301 kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Kabilang sa tinatawag na focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, at carnapping ng mga sasakyan at motorsiklo.
Samantala, patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kasabay ng pagmahal ng langis.
Ito ay dulot ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos, Israel, at Iran kung saan nagkaroon ng mga pag-atake at pagganti na nagresulta sa pagkontrol ng Iran sa Strait of Hormuz, isang mahalagang daanan ng suplay ng langis sa buong mundo.
The post PNP nagbabala sa posibleng pagtaas ng nakawan dahil sa pagmahal ng bilihin appeared first on Bandera.

No comments: