Zanjoe Marudo sa kasalang Bea-Vincent Co: I’m very happy for her!

MALIGAYA ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo.
Nalaman ng madlang pipol ang planong pag-iisang dibdib ni Bea at ng partner niyang negostante na si Vincent Co nang bumandera sa social media ang kanilang wedding banns.
Bukod dito, in-announce rin ang publicly ang magaganap na kasalan sa St. Peter the Apostle Parish sa Paco, Manila.
Base sa nakasaad na inilabas na wedding banns, maaaring mangyari ang kasal nina Bea at Vincent sa last week ng March o first week ng April this year.
Wala pang inilalabas na official statement sina Bea at Vincent about their wedding pero natanong nga si Zanjoe tungkol sa pagpapakasal ng kanyang ex.
Sa panayam ng ABS-CBN sa aktor, natanong nga ang mister ng aktres at producer na si Ria Atayde kung ano ang reaksyon niya sa nabalitang marriage banns ni Bea at ni Vincent.
"Totoo ba? Wala akong imbitasyon eh," ang unang reaksyon ni Zanjoe sa balita.
Pagpapatuloy niya, "Yes, of course, I'm very happy for her. Finally, 'di ba! Lahat tayo kailangang maging masaya sa mga batch namin. At least ito, unti-unti na kaming nabubuo."
Matatandaang naging magkarelasyon sina Zanjoe at Bea noong early 2010s. Tumagal ang relasyon nila sa loob ng limang taon at naghiwalay noong 2016.
The post Zanjoe Marudo sa kasalang Bea-Vincent Co: I'm very happy for her! appeared first on Bandera.

No comments: