Joshua Zamora, Alex Castro kay Alvin Aragon: Dapat mag-ingat tayo

HALOS magkapareho ang pananaw ng mga "SexBomb husbands" na sina Joshua Zamora at Alex Castro hinggil sa mga kontrobersyal na pahayag ni Alvin Aragon.
Nag-react sina Joshua at Alex tungkol sa pagkontra at pagkuwestiyon ni Alvin sa pagsusuot ng sexy costume at style ng pagpe-perform ng SexBomb Girls.
Si Alex ay asawa ng SexBomb member na si Sunshine Garcia habang si Joshua naman ang mister ni Jopay Paguia. Si Alvin ay husband naman ng dating miyembro ng grupo na si Izzy Trazona.
Napag-usapan muli ang tungkol sa mga komento ni Alvin laban sa SexBomb nang mag-guest sina Joshua at Alex sa "Fast Talk with Boy Abunda" kahapon, March 10.
Pag-alala ni Alex, nangyari ito after ng Valentine's Day nang magising na lamang sila ni Sunshine sa dami ng mga nagpapadala ng mensahe sa kanila tungkol sa viral na mga pahayag ni Alvin.
"Siguro 'yung naging assessment ko lang du'n sa nangyari, may kaniya-kaniya tayong paano 'yung paniniwala natin, paano 'yung relasyon natin sa asawa natin, paano natin suportahan," ayon sa vice governor ng Bulacan.
"Kapag kasi ikunumpara mo na 'yung sarili mo sa iba, at sasabihin mong ikaw ang tama at mali 'yung isa, dun na po nagkakaroon ng problema," dagdag pa niya.
Nirerespeto rin niya ang paniniwala ni Alvin kaya hindi na niya ito sinagot o pinatulan, "Saka ang dami ko pong dapat intindihin sa Bulacan para patulan po 'yung ganu'ng issue."
Hindi rin daw siya galit kay Alvin, "'Yung sinasabi niyang nagnanasa, du'n sa tumitingin du'n 'yung may problema, hindi du'n sa sumasayaw."
Ayon naman kay Joshua, pareho sila ng simvahan ni Alvin pero aniya, dapat maging careful sa pagpapahayag ng mga paniniwala lalo na pagdating sa relihiyon at pananampalataya.
"Many of us, 'yung freedom, meron talaga tayong ganiyan eh, 'yung freedom to talk anything. But at the same time, gaya ng sinabi ni VG (Alex), kailangan mag-ingat tayo.
"Kung wala ka nitong conviction, kahit ano na lang puwedeng itapon eh. So parang nawawala 'yung wisdom on how you will say it, nawawala 'yung love, being compassionate," paliwanag ni Joshua.
Natanong din sina Joshua at Alex kung agree ba sila sa isa pang sinabi ni Alvin na dapat daw ang mga lalaki ang maging hari sa tahanan ng isang pamilya, habang ang mga babae at mga anak ang siyang dapat magpasakop.
Sey ni Joshua, "For me, it's kung ano 'yung strength ng partner ko, kung ano 'yung strength niya, 'yun ang sinusunod namin.
"Alam din naman niya in the same way kung ano 'yung strength ko, 'yun din 'yung masusunod," dagdag ng actor-dancer.
Sagot naman ni Alex, "Kaming dalawang mag-asawa, hindi pupuwedeng ako lang naman ang laging masusunod. Parehas kung ano 'yung napag-usapan naming dalawa, 'yun 'yung masusunod."
The post Joshua Zamora, Alex Castro kay Alvin Aragon: Dapat mag-ingat tayo appeared first on Bandera.

No comments: