Janine Gutierrez pumalag sa chikang buntis daw sa anak nila ni Jericho

INALMAHAN ng Kapamilya actress na si Janine Gutierrez ang kumakalat na balitang nagdadalang-tao raw siya ngayon.
May mga naglabasan kasing mga artikulo sa internet na nagsasabing buntis umano ang aktres at ang itinuturong tatay daw ay ang boyfriend nitong si Jericho Rosales.
Sa isang social media post ng dalaga, may isang netizen na nagtanong sa comment section kung totoo bang pregnant siya.
"Sabi sa balita buntis daw si ate Janine? Pero di naman siya mukhang buntis dito," ang diretsahang question ng netizen.
Agad namang nag-reply ang aktres at mariing dinenay ang tsismis. Tugon niya, "FAKE NEWS!!!!!"
Nagsimula ang love story nina Janine at Jericho matapos silang magsama sa Kapamilya series na "Lavender Fields" kung saan gumanap sila bilang mag-asawa.
Si Jericho mismo ang nagkumpirma noong April 17, 2025 na magkarelasyon sila ng anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher habang nagbibigay ng mensahe para sa lola ng aktres na si Pilita Corrales.
Aniya sa harap ng pamilya at mga kaanak ng pamilya Gutierrez at Corrales, "I'm Janine's boyfriend."
The post Janine Gutierrez pumalag sa chikang buntis daw sa anak nila ni Jericho appeared first on Bandera.

No comments: