BREAKING NEWS

Ex-PBB Lie Reposposa humugot: Ang hirap tulungan ng ungrateful parents

Ex-PBB Lie Reposposa humugot: Ang hirap tulungan ng ungrateful parents
Lie Reposposa

ISINAPUBLIKO ng dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Lie Reposposa ang sama ng loob niya sa kanyang pamilya bilang breadwinner.

Ibinahagi ni Lie sa social media ang matinding hinanakit na nararamdaman niya sa patuloy na pagtulong at pagtataguyod sa kanilang pamilya.

Feeling kasi ni Lie ay siya lang daw ang lumalaban at nagsasakripisyo para gumanda ang kanilang buhay at tulyang makaahon sa hirap.

"Gusto kong umahon sa buhay pero parang ako lang ang lumalaban. Breadwinner daw, pero kailan ba naging winner ang breadwinner? Parang lagi na lang talunan," ang bahagi ng Facebook post ng former PBB housemate.

Pagpapatuloy niya, "Pagod na pagod na akong tumulong sa mga taong hindi man lang marunong mag-appreciate, pero ang hirap kapag pamilya mo."

Sa comment section naman ng kanyang FB post, mababasa ang pambebengga niya sa mga magulang, "Hirap tulungan ng ungrateful parents."

Maraming nakisimpatya at kumampi kay Lie na nagsabing relate much sila sa nararanasan niya bilang isang breadwinner pero meron ding nag-callout sa kanya na hindi na sana niya ginawang public ang isyu ng kanilang pamilya.

Comment ng FB user, "Don't make it public kung parents mo kinakasamaan mo ng loob. Magtira ka pa rin sa sarili mo sa future mo. Importante NATULUNGAN mo sila, huwag mo ibuhos lahat dahil may sarili ka rin buhay," payo sa kaniya ng isang netizen.

Sinagot naman ito ni Lie, "Wala eh napuno na ako diko na din sila kaya."

The post Ex-PBB Lie Reposposa humugot: Ang hirap tulungan ng ungrateful parents appeared first on Bandera.


Ex-PBB Lie Reposposa humugot: Ang hirap tulungan ng ungrateful parents Ex-PBB Lie Reposposa humugot: Ang hirap tulungan ng ungrateful parents Reviewed by pinoyako on March 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close