BREAKING NEWS

Jerald Napoles kay Alden Richards: Kambal tayo kahit ilang multiverse pa yan

Jerald Napoles kay Alden Richards: Kambal tayo kahit ilang multiverse pa yan
Alden Richards, Jerald Napoles at Kim Molina

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng aktor at singer na si Jerald Napoles sa kanyang kaibigan na si Alden Richards.

Nagbahagi ng appreciation post si Jerald para sa nag-iisang Asia's Multimedia Star matapos itong magsilbi bilang isa sa mga groomsman sa kasal nila ni Kim Molina.

Ginanap ang bonggang destination wedding ng celebrity couple sa isang resort sa Panglao, Bohol last March 1, na dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan in and out of showbiz.

Matagal nang magkaibigan sina Alden at Jerald at nagkatrabaho na rin ng ilang beses in the past, kabilang na ang mga TV show na "All Star Videoke" at musical variety show "Sunday PinaSaya."

Ipinost ni Jerald sa Instagram ang ilang litrato nila ni Alden na kuha sa kasal nila ni Kim na may caption na, "One of the first few people I called to be part of my groomsmen. Without hesitation, and with flying colors, he said yes.

"Kung sa ibang uniberso hindi tayo artista, ganu'n pa rin, walang pagbabago. Mananatiling kaibigan at nandito ako para sayo kung kinakakailangan. 

"Tandaan mo, kahit di mo aminin, kambal tayo sa kahit ilang multiverse pa yan," mensahe pa ng komedyante.

Pagpapatuloy pa niya, "Some people show up with their presence. Some people show up with their heart.

"Just know I'm grateful, brother. Thank you for standing beside me on one of the most important days of my life."

Samantala, nagbahagi rin si Kim Molina ng message para sa lahat ng bumati sa pagpapakasal nila ni Jerald.

"It's been a week since the wedding, and there's still a lot more to share and people to thank.

"For all your messages, well wishes, and happy tears you are all witnesses to the love story that brought us here today. THANK YOU FOR THE LOVE," pahayag ni Kim.

The post Jerald Napoles kay Alden Richards: Kambal tayo kahit ilang multiverse pa yan appeared first on Bandera.


Jerald Napoles kay Alden Richards: Kambal tayo kahit ilang multiverse pa yan Jerald Napoles kay Alden Richards: Kambal tayo kahit ilang multiverse pa yan Reviewed by pinoyako on March 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close