BREAKING NEWS

Misis ni Nikko Natividad rumesbak: Sasabihin n’yo hindi ako nandiri, nasuka?!

Misis ni Nikko Natividad rumesbak: Sasabihin n'yo hindi ako nandiri, nasuka?!
Cielo Eusebio at Nikko Natividad

MULING naglabas ng saloobin si Cielo Eusebio, asawa ng aktor na si Nikko Natividad, tungkol sa panghuhusga sa kanya ng mga tao.

Marami ang nagsasabi na maling-mali na pinatawad pa niya ang asawa matapos itong magloko at makipag-sex sa ibang babae, base sa kumalat niyang video scandal.

Mismong si Nikko ang umamin sa  nagawang kasalanan dahil nademonyo, natukso, at bumigay lang daw siya sa tawag ng laman. 

Kasunod nito, nagsalita nga si Cielo at sinabing mas pinili niyang magpatawad kahit napakahirap sa kalooban niya. Nangibabaw din daw ang pagmamahal niya kay Nikko at sa kanilang pamilya. 

Ayon sa mga netizens, katangahan daw ang naging desisyon ni Cielo at sinabihan siyang hiwalayan na ang asawa dahil sa kataksilang ginawa nito at malamang sa malamang ay uulitin pa rin nito ang ginawang kasalanan.

Kaya naman sa pamamagitan ng kanyang Facebook page ay muling nagsalita si Cielo at binuweltahan ang mga nakikialam sa kanyang desisyon na patawarin at tanggapin uli ang asawa.

"Bakit ba apektadong apektado kayo sa pagpapatawad ko sa asawa ko? Bakit ba kinukwestyon n'yo yung desisyon ko? 

"Hindi kaduwagan yung pinili ko. Kayang-kaya ko umalis kung gugustuhin ko pero hindi yun ang gusto ko," ang mariing pahayag ni Cielo.

Ibinahagi rin niya ang screenshots ng mga masasakit at mapanghusgang komento ng mga netizen. 

"Sasabihin nyo na hindi ba ako nandidiri? Hindi ba ako nasusuka? Oo sige! dapat yan ang maramdaman ko, pero nasa realidad na ako ng buhay tapos na, matagal na. 

"Nagkaanak na nga kami ulit ng pangalawa ano pa gagawin ko tatlong taon na nakalipas. Ano maglulupasay ako at papahirapan ko sarili ko sa bagay na hindi ko na controlado," aniya.

Nag-sorry na rin daw si Nikko sa kanya, sa kanilang pamilya at sa Panginoong Diyos habang patuloy nitong pinagbabayaran ang kasalanang nagawa.

"Hindi ko nino-normalize at binabalewala yung ginawa ng asawa ko pero hindi nyo na kailangan malaman ano yung pinagdadaanan namin. 

"Lahat ng nararamdaman at gusto nyo sabihin nasabi ko na yan, narelease ko na yan, naisigaw ko na yan with matching pagbabasag ng picture frame. Kung pinili naming ayusin ano bang problema nun sa inyo?" 

Pagpapatuloy pa niya, "Let's be real here. Opinion nyo yan sige di ko maalis yan pero wala ba kayong puso para kimkimin nyo nalang sa sarili nyo yan? 

"Pero sana itigil nyo na yan. Nandidiri kayo sa ginawa ng tao dahil may asawa pero kayo din mismo ang nanunuod pa at nagpapakalat. Please stop!

"I'm continuing our life and moving forward through the grace of God. Mahirap, hindi siya madali, pero maghihilom din ang sugat," aniya pa.

The post Misis ni Nikko Natividad rumesbak: Sasabihin n'yo hindi ako nandiri, nasuka?! appeared first on Bandera.


Misis ni Nikko Natividad rumesbak: Sasabihin n’yo hindi ako nandiri, nasuka?! Misis ni Nikko Natividad rumesbak: Sasabihin n’yo hindi ako nandiri, nasuka?! Reviewed by pinoyako on March 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close