BREAKING NEWS

Yasser Marta hindi niligawan si Robb Guinto, ‘nag-propose’ agad

Yasser Marta hindi niligawan si Robb Guinto, 'nag-propose' agad
Robb Guinto at Yasser Marta

HINDI dumaan sa tradisyonal na ligawan ang Kapuso celebrity couple na sina Robb Guinto at Yasser Marta.

Inalala ng magdyowa kung paano nagsimula ang kanilang love story sa nagdaang episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" ng GMA 7.

Unang nagkakilala sina Yasser at Robb nang magkasama sila sa isang pelikula.

"May ginawa po kaming movie. 'Yun po 'yung first time namin na nag-meet. 'Desperada.' 'Yung unang beses, sa storycon nu'ng movie," pagbabahagi ni Yasser.

Ayon sa Kapuso hunk, nu'ng una raw ay dumidistansiya pa siya kay Robb dahil hindi niya knows kung paano ia-approach ang dating Vivamax Queen.

"Tinitingnan ko lang siya kasi siyempre first time namin mag-meet. Hindi ko pa alam kung paano siya i-approach. 

"Tapos parang dinededma niya lang ako eh," ang natatawa pang pagbabalik-tanaw ng aktor.

Sey naman ni Robb, hindi rin daw siya nagpakita agad ng interes kay Yasser dahil ayaw niyang magmukhang aggressive sa mata ng binata.

"Kumbaga kasi nu'ng una, 'pag once na unang kilala mo naman sa tao, ayaw mo naman magpaka-feeling close eh. Kumbaga parang pinapakiramdaman ko rin siya," chika ni Robb.

Ngunit bigla raw nagbago ang ihip ng hangin nang magkasama na sila nang matagal sa isang acting workshop para sa ginawa nilang pelikula.

"Nu'ng workshop, sabi ko, 'Alam mo, ang cute-cute mo.' Doon na na-break 'yung ice," chika ni Yasser.

At mas lalo raw lumalim at naging solid ang kanilang relasyon nang magkasama silang nagbakasyon sa Bali, Indonesia.

Sabi ni Robb, hindi na sila dumaan sa ligawan dahil diretsahan ang naging approach sa kanya ni Yasser.

"Actually, hindi niya sinabing puwede bang manligaw eh. 'Pwede ba kitang maging girlfriend?' Nag-yes po ako," natawang pag-amin ni Robb.

The post Yasser Marta hindi niligawan si Robb Guinto, 'nag-propose' agad appeared first on Bandera.


Yasser Marta hindi niligawan si Robb Guinto, ‘nag-propose’ agad Yasser Marta hindi niligawan si Robb Guinto, ‘nag-propose’ agad Reviewed by pinoyako on March 29, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close