BREAKING NEWS

500 bilanggo mula Bilibid inilipat sa Iwahig Prison sa Palawan

INILIPAT na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 500 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City patungo sa bagong Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) nitong Linggo, March 29.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na iniulat ng INQUIRER, ang bagong dormitory ay may kapasidad na hanggang 1,000 bilanggo.

"[The PDLs were transferred] as part of a broader initiative to alleviate overcrowding and enhance rehabilitation programs within the Philippine penal system," sey ni Catapang sa isang pahayag.

Ayon pa sa kanya, ang pagtatapos ng dormitory ay hindi lang simpleng pagpapalawak ng pasilidad kundi simbolo rin ng pangako ng BuCor na pagandahin ang kalidad ng buhay ng mga PDL.

Baka Bet Mo: BuCor nagpalaya ng higit 28,000 preso, Bilibid lumuwag

At kahit raw matapos ang konstruksyon ng bagong dorm sa IPPF, Sinabi ni Catapang na tuloy-tuloy pa rin ang mga hakbang ng BuCor para maibsan ang siksikan sa bilangguan at mapaigting ang rehabilitasyon ng mga PDLs.

The post 500 bilanggo mula Bilibid inilipat sa Iwahig Prison sa Palawan appeared first on Bandera.


500 bilanggo mula Bilibid inilipat sa Iwahig Prison sa Palawan 500 bilanggo mula Bilibid inilipat sa Iwahig Prison sa Palawan Reviewed by pinoyako on March 29, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close