Joyce-Juancho Trivino level-up sa bagong tahanan, may dream home na!

FROM condo life to dream home, ang naging peg ng celebrity couple na sina Joyce Pring at Juancho Trivino sa latest social media post nila.
Makalipas kasi ang limang taon, lumipat na sila sa bago nilang bahay!Paglalarawan pa nga ni Joyce sa kanyang Instagram posts, ito ang simbolo ng kanilang "new beginnings."
"By God's grace— we've started to move into our new home. While there are still a few things to fix, we're so grateful for how far we've come," caption ng celebrity mom.
Bukod diyan, ibinahagi rin ng TV host ang kanilang journey mula sa pagiging mag-asawa hanggang sa pagbuo ng kanilang pamilya.
Baka Bet Mo: Joyce Pring nagtapos ng Summa Cum Laude, may Best in Thesis award pa
"It's really amazing how we started with designing my first apartment, to our family's first investment home, and now finally for our first family home— where our kids will grow up," dagdag pa niya.
Sa hiwalaya na post, ipinasilip ni Joyce ang kanilang new home, kung saan makikitang nagre-relax siya kasama ang mga anak na sina Eliam at Eleanor.
Pero sa gitna ng saya, hindi rin naiwasan ang pagiging senti ng momshie.
Nagpaalala siya sa kanyang followers ng kahalagahan ng pasasalamat sa bawat biyaya.
"The danger is never being content with what God gives— we forget to count the many blessings and prayers He has answered, and continue to answer. May we always pause intentionally to just give thanks," wika ni Joyce.
Aniya pa, "Casa Trivino Dream Home is starting to really feel like our home."
Samantala, emotional din niyang ibinahagi ang kanilang huling sandali sa lumang bahay.
"This house has been our home for 5 years— majority of our marriage spent within its walls. I was pregnant, postpartum, and called 'mama' for the first time in there. Juancho had opened businesses, closed some, did tapings and work and learned to become 'dada' in this house," pagbabalik-tanaw ni Joyce.
Dito rin umano nasaksihan ang paglaki at pagbabago ng kanilang pamilya, kaya naman talagang "bittersweet" ang kanilang pamamaalam.
"We cried so many bittersweet tears as we said our goodbyes, but by God's grace, we're ready to make new memories in the house that the good Lord has blessed us with," wika pa niya.
Matatandaang ikinasal sina Joyce at Juancho noong 2020, at sinimulan ang konstruksyon ng kanilang "Casa Triviño" noong 2024.
Mas lalo pang magiging masaya ang kanilang bagong bahay dahil inaasahan nilang darating ang kanilang ikatlong anak ngayong 2026!
The post Joyce-Juancho Trivino level-up sa bagong tahanan, may dream home na! appeared first on Bandera.

No comments: