Landing craft para sa mga ambulansya ibibigay ng PCSO sa Batanes

BINABALAK ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na bigyan ng landing craft vessel (LCV) ang Batanes para mapabilis ang transportasyon ng mga pasyente sa ibat-ibang dako ng lalawigan.
Sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles ang LCV ay isang maliit na "roll-on/roll-off" (RORO) vessel na maaaring pagsakayan ng mga ambulansya.
Aniya, pagtalima ito sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na mapabilis ang pagbibigay serbisyong pangkalusugan sa lahat ng Pilipino.
Magagamit din aniya ito sa pagdadala ng mga gamot at iba pang gamit na pang-medikal hanggang Sabtang at Baseco.
"Direkta natin silang madadala sa pinakamalapit na pagamutan—isang tunay na door-to-door na serbisyong medikal," dagdag ni Robles.
Sinabi pa ng opisyal na malaking hamon ang Batanes dahil sa lokasyon nito ang ang pangangalaga sa kalusugan ng 18,000 residente ng lalawigan ay naka-depende sa kondisyon ng dagat.
Binubuo ng anim na bayan ang lalawigan at may 29 na barangay.
Noong nakaraang Huwebes at Biyernes nagsagawa ang PCSO ng medical mission sa Batanes.
The post Landing craft para sa mga ambulansya ibibigay ng PCSO sa Batanes appeared first on Bandera.

No comments: