Imported rice sa P20 na bigas program ni PBBM tinira ni Imee

PINUNA ni Sen. Imee Marcos ang pamamahagi ng imported rice sa programang murang bigas ng administrasyon ng kanyang nakababatang kapatid.
Ikinatuwiran ng senadora na maganda naman ang ani ng lokal na bigas at wala din napapa-ulat na kakulangan sa suplay ng naturang butil.
Duda ang senadora na pinaboboran ng ilang opisyal ang imported rice dahil sa kita sa halip na isipin ang kapakanan ng mga lokal na magsasaka.
Baka Bet Mo: Imee Marcos boldyak kay Castro dahil kay PBBM: 'Wag magpakaplastik!
Paliwanag pa nito, nangangailangan lamang ng 5.4 milyong metriko ng tonelada sa pagbebenta ng bigas ng P20 bawat kilo at ang produksyon ng bigas sa bansa ay 20.3 milyong tonelada kada taon.
Ipinagtataka pa ng nakatatandang kapatid ni Pangulong Marcos, ang pag-aangkat ng bigas kahit panahon ngayon ng anihan sa bansa.
The post Imported rice sa P20 na bigas program ni PBBM tinira ni Imee appeared first on Bandera.

No comments: