Paolo Contis feeling thankful sa pa-surprise nina Lian Paz at John Cabahug

SINORPRESA ng mag-asawang Lian Paz at John Cabahug ang Kapuso actor-host na si Paolo Contis sa kanyang kaarawan kamakailan.
Abot-langit ang pasasalamat ni Paolo sa dati niyang asawang si Lian pati na sa mister nitong si John dahil talagang nag-effort ang mga ito sa kanyang birthday.
Nag-celebrate ng kanyang 42nd birthday ang aktor nitong nagdaang March 14 kung saan nakasama nga niya ang mga anak kay Lian.
Sa Instagram, ibinahagi ni Pao ang ilang litrato na kuha sa Cebu Safari kasama ang mga anak na sina Xalene at Xonia.
"Medyo late post of Xonia and Xalene's birthday sa Cebu Safari. Beautiful place, pero mas beautiful na bonding at tawanan. I love you both so much," ang caption ni Paolo.
Kasunod nito, isinama na rin siya sa selebrasyon nang sorpresahin nina Lian at John ng isang birthday cake para isabay na ang kanyang kaarawan.
Feeling thankful and grateful ang aktor sa mag-asawa dahil sa pag-alala sa espesyal niyang araw, "a happy birthday indeed."
"See you all very very soon!" dugtong ng Kapuso star.
Nitong mga nagdaang buwan, mas madalas nang nakaka-bonding ni Pao ang kanyang mga anak kaya todo ang pasasalamat niya kina Lian at John dahil sa pagbibigay uli sa kanya ng pagkakataong mapalapit sa mga bata.
The post Paolo Contis feeling thankful sa pa-surprise nina Lian Paz at John Cabahug appeared first on Bandera.

No comments: