Sofia Pablo, Allen Ansay ramdam din OA na presyo ng langis; super tipid

HINDI lang mga ordinaryong mamamayan ang umaaray sa napakataas na presyo ng langis ngayon – ramdam na ramdam na rin ito ng mga artista.
Sa presscon ng bagong horror movie na "Huwag Kang Titingin" nitong nagdaang Huwebes, March 26, ay napag-usapan ang epekto ng patuloy na pagsirit ng presyo ng langis sa Pilipinas.
Ayon sa Kapuso loveteam na sina Sofia Pablo at Allen Ansay na kabilang sa cast ng "Huwag Kang Titingin", dahil sa OA na presyo ng gasolina at diesel ay mas nagtitipid na sila ngayon.
Kaya naman kung puwede silang magkasama sa isang sasakyan patungo sa taping at iba pang events ay yun na raw ang ginagawa nila.
"Nagsasabay po. Lalo na po kapag same naman po yung work, nagsasabay na lang po kami," ang pahayag ni Sofia.
Sey ni Allen, nagsi-share sila sa gas kapag nasa isang kotse sila, "Hindi na po kami lumalabas na gumamit ng kotse po, hindi na po talaga."
Dagdag ni Sofia, "Dati lagi n'yo ako nakikita sa mall bago mag-PBB, ngayon hindi na po lumalabas. Sa bahay na lang po."
Knows din daw nila kung gaano kahirap ang buhay ngayon ng mga Pilipino kaya niintindihan nila kung wala sa top priority ng mga tao ang panonood ng sine.
Kaya naman ang tanong, paano nila hihikayatin ang mga Pinoy na magbayad sa sinehan para panoorin ang pelikula nilang "Huwag Kang Titingin" sa gitna ng isyu sa halaga ng langis?
Tugon ni Sofia, "Alam ko naman hindi biro yung mga nagsisitaasan na presyo na ngayon, so we're not really gonna force everyone na kailangan niyo panoorin ito.
"It's more of kung sino ang may extra, yung may time. Kung sino po talaga ang may gusto ng pelikula na Huwag Kang Titingin. Sana manood po kayo.
"Pero siyempre, kung kailangan niyo yung pera, maintindihan naman namin. Kumbaga, there are many ways to support us. Kung hindi kayo makapanood, i-share niyo," sabi pa ng aktres.
Samantala, pangako ng cast ng "Huwag Kang Titingin" hindi raw masasayang ang hard-earned money ng mga tao kapag nanood sila sa sinehan kaya sana raw ay suportahan nila ang pelikula.
Kasama rin sa movie sina Marco Masa, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, with the special participation of Shuvee Etrata.
Completing the cast are Lui Manansala, Sherilyn Reyes, Alchris Galura, Michael Flores, Bernadette Allyson, David Domanais, and Christian Kimp Atip.
Ito'y mula sa direksyon ni Frasco Mortiz under GMA Pictures and Mentorque Productions. Showing na ito sa lahat ng sinehan simula sa April 15.
The post Sofia Pablo, Allen Ansay ramdam din OA na presyo ng langis; super tipid appeared first on Bandera.

No comments: