IG account ni Sofia Andres biglang na-disable ng Meta, anyare?

AGAD nag-update ang celebrity mom na si Sofia Andres sa kanyang followers matapos ma-disable ang kanyang Instagram account.
Ito ay dahil umano sa isang system issue na apektado rin ang iba pang users.Sa kanyang TikTok post, ibinandera ni Sofia ang nangyari at nagpasalamat sa suporta ng fans.
"Account deactivated," bunagd niya upang ipaalam sa publiko.
Wika pa niya, "My Instagram Account is currently under review—looks like a system issue affecting multiple accounts. Already being fixed. Thank you for the support."
Baka Bet Mo: Sofia Andres kapag bad trip kay Daniel Miranda: I block him, unfollow him
Mukhang hindi lang siya ang naapektuhan dahil maraming netizens ang nagbahagi ng parehong karanasan sa kanilang accounts.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
"Hindi biro 'yung dami natin na-experience na ganto without any warnings & proof."
"Apparently a lot of users got their FB and IG disabled since yesterday, including me."
"I think a lot of us have been experiencing this issue. Most of the people I spoke with as of yesterday at around 1pm all their meta accounts were automatically logged out and suddenly disabled too due to the 'community guidelines.'"
"Same, buti nalang na-retrieve akin pati FB, GRABE yung suffer ko"
"Ganito din nangyari sa FB, Messenger at IG ko last June 2025. Sadly permanently disable na siya. Hindi na din ako makapag-try mag-create ng bagong account. So until now wala na akong FB at IG account."
Samantala, naging usap-usapan kamakailan lang si Sofia matapos mag-viral ang naging mistake niya sa pagbanggit ng pangalan ng broadcast journalist na si Jeff Canoy, habang nagpapakilala sa March 16 episode ng "TV Patrol Express."
Tumawa naman si Jeff sa nangyari at nilaro, na kung saan ay ipinakilala rin ang sarili bilang si Sofia.Sa kasalukuyan, bida si Sofia bilang Claudia Cabrera sa Kapamilya teleserye na "The Alibi: Ang Buong Katotohanan," na bagong ipinalipat sa 8:45 p.m. slot sa Kapamilya Channel.
The post IG account ni Sofia Andres biglang na-disable ng Meta, anyare? appeared first on Bandera.

No comments: