BREAKING NEWS

Richard Gutierrez ramdam ang pressure sa timeslot ng ‘Blood vs Duty’ 

Richard Gutierrez ramdam ang pressure sa timeslot ng 'Blood vs Duty' 
Gerald Anderson, Bela Padilla, Richard Gutierrez at Barbie Imperial

INAMIN ni Richard Gutierrez na malaking challenge sa buong cast ng "Blood vs Duty" na mapunta sa primetime slot ng ABS-CBN pagkatapos ng "TV Patrol."

"Since I moved to ABS-CBN, wala pang nakakapasok do'n sa timeslot as male lead, di ba? So, ngayon pa lang na may male lead na papasok aside of course kay Coco (Martin).

"So, it's a big challenge for us and we are accepting the challenge and we are excited for this opportunity at may pressure," pag-amin ni Richard na isa sa bida ng bagong action series ng ABS-CBN handog ng JRB unit headed by Julie Ann R. Benitez.

Natanong na posible bang maurong ang timeslot  ng "Blood vs Duty" kapag handa nang umere ang "Sigabo" ni Coco Martin kasama si Julia Montes na pansamantalang naka-hold.

"Yeah, in-explain din naman sa amin 'yun pero wala pa namang final, basta right now, we are embracing where we are, we are praying for success na magustuhan ng mga tao and we'll take it from there," pahayag ng aktor.

Base sa ipinalabas na special edit ng "Blood vs Duty" sa Trinoma nitong Biyernes, March 27 ay punumpuno ito ng aksyon bagay na gusto ng mga manonood dahil nasanay sila na ilang taon na action series ang napapanood nila pagkatapos ng "TV Patrol."

Nakatakdang umere ang "Blood vs Duty" sa Lunes, Abril 6, 8 p.m. pero mauuna muna sa Netflix simula sa Abril 3 (Biyernes), sa iWant simula Abril 4 (Sabado), at sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live simula Abril 6 (Lunes).

Kasama rin ni Richard sa serye sina Bela Padilla at Gerald Anderson kasama sina Baron Geisler at Barbie Imperial. 

Ito'y mula sa direksyon nina FM Reyes, Bjoy Balagtas, at Rico Navarro, kasama si Erwin Tagle bilang action director. Kasama naman sa mga sumulat nito sina Dindo Perez, Cenon Palomares, Jann Kayla Mendoza, at Shania Vonzel. 

Ka-join din sa serye sina Ejay Falcon, Rommel Padilla, Susan Africa, Bobot Mortiz, Bodjie Pascua, at Malou Crisologo.

Gagampanan nina Richard (Marcus), Bela (Lara), at Baron (Felix) ang papel bilang government agent na may misyong tapusin na ang malawakang karahasan dulot ng mga ilegal na baril. 

Protektor naman ng isang komunidad ng mga mangingisda si Gerald (Jalil) kasama ang kapatid na si Barbie (Jamilah) at ang ama na si Datu Rahman, ang papel na ginagampanan ni Jaime Fabregas.

The post Richard Gutierrez ramdam ang pressure sa timeslot ng 'Blood vs Duty'  appeared first on Bandera.


Richard Gutierrez ramdam ang pressure sa timeslot ng ‘Blood vs Duty’  Richard Gutierrez ramdam ang pressure sa timeslot ng ‘Blood vs Duty’  Reviewed by pinoyako on March 29, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close