Heart Evangelista, Angelica Panganiban umaming nagkatampuhan, nagkaayos din

TILA napa-throwback memories sina Heart Evangelista at Angelica Panganiban noong nagkatampuhan silang dalawa.
At oo mga ka-BANDERA, kahit matagal na raw nilang naibaon ito sa lupa, hindi pa rin maiwasang balikan ang kanilang naging isyu!
Sa recent episode ng "Heart World" season two, inungkat ng dating mag-bestie ang kanilang falling-out, na ayon sa kanila ay nag-ugat sa hindi pagkakaintindihan pagdating sa kani-kanilang personal na desisyon sa buhay.
"I think sa mga choices naman talaga natin sa buhay, and 'yun 'yung ginusto nating panindigan," sey ni Angelica.
Baka Bet Mo: Holy Week 2026 ganap nina Alden Richards, Barbie, Heart, Ogie, KimJe
Sumang-ayon naman si Heart at inaming kahit malayo sila sa isa't isa noon, may mga silent judgments pa ring nagaganap.
"Kahit from afar, [iniisip nating] sigurado ka? Happy ka diyan? Tapos parang defensive ka, defensive ako, hanggang sa hindi na kami nag-usap," pag-aalala ng fashion icon.
Sa kabila ng naging tampuhan nila, nilinaw ni Angelica na mas nanaig pa rin ang pagmamahal at pagnanais na maayos ang lahat.
"Of course, wala kaming nararamdaman na [galit] sa isa't isa. Kindness pa rin ang nararamdaman niyo. Gusto mong yakapin ang tao, 'yung tipong saan ko siya pupuntahan. Nag-struggle ako na hanggang gabi, iniisip ko kung ime-message ko ba siya tapos hindi ko alam if 'yun ang number niya," chika ng celebrity mom.
Dagdag niya, "Ang sarap sa feeling after mapadala ang message tapos okay na 'yun. Bahala na 'yun, bahala ang universe, bahala na si Lord sa mga susunod na pwede pang mangyari."
Samantala, todo-emote si Heart at tinawag si Angelica bilang kanyang "first love", hindi bilang lover, kundi bilang kaibigang malapit sa puso.
"Whatever it was, you will always be my pal. There's nothing wrong that you can do kasi gan'un kita kamahal," sambit niya.
Patuloy pa ni Heart, "Masyadong solid ang core memories ko sa'yo. First love mo can be a sister or a friend, first love kita."
"Ang wish ko para sa'yo is sana maenjoy mo ang time mo with your daughter, though it's time," mensahe pa niya.
Matatandaang naging malapit ang dalawa artista matapos magsama sa 1999 youth series na "G-mik!" na naging launching pad ng maraming sikat na artista.
Kamakailan lang din, naging lamang ng mga balita ang muling pagkikita ni Heart at kanyang ex-boyfriend at dating ka-loveteam na si John Prats.
The post Heart Evangelista, Angelica Panganiban umaming nagkatampuhan, nagkaayos din appeared first on Bandera.

No comments: