VMX bombshelle Angelica Cervantes bawal magpahawak ng boobs

MAY mga nambabastos sa sexy star na si Angelica Cervantes dahil sa paglabas niya sa mga content ng streaming platform na VMX (dating Vivamax).
Inamin ng dalaga na may mga pagkakataong feeling niya ay nababastos siya ng kanyang kaeksena kapag gumagawa ng love scenes.
"Pinoprotektahan naman po ako ng management. Moreso, meron naman po akong restrictions and such, and if may nangyari po, siyempre isusumbong ko agad," ang rebelasyon ni Angelica sa mediacon ng pelikula nilang "All About Her" last March 12.
"Kung kaya namang iwasan, ganyan-ganyan, pababayaan na lang. Pero pag nangyari na yung isang bagay na alam mo kung paano iwasan, as much as possible, mas nadadagdagan yung restrictions ko, namin, ewan ko lang po sa iba.
"Parang as much as possible, if kaya mong pigilan yung isang bagay na alam mong kaya mo namang gawin, parang you'll do anything for it not to happen again," aniya pa.
Aniya pa sa pag-take advantage sa kanya ng ilang nakaeksena sa sex scenes, "Trauma po. Simula nu'ng nangyari yun, du'n na po talaga ako nag-stand sa ground ko na eto yung restrictions ko. If hindi puwede, okay, hindi ko na po tatanggapin.
"Hindi naman po siya totally palag. Sabihin na nating naiwas po. Kasi, sinabi ko na yung restrictions ko and all. 'Dito lang ako!' Bawal na bawal akong magpahawak sa dibdib. Bawal yung sinasabi nilang hahalikan mo yung dibdib ko, ganu'n," aniya pa.
Pagpapatuloy pa niya, "Hindi porke't VMX, may karapatan na yung co-actors or ibang tao in public na, 'Ahh VMX naman ito, dapat bastusin ito.'
"Hindi po ganu'n. We are also actors and we're just working. Hindi porke ganun ang pinasok naming industry, puwede nyo na kaming bastusin nang ganun-ganun na lang.
"So as much as possible po, like sa mga ganitong interviews, nagbo-voice out po ako. Kasi, magkaiba po yung work sa personal life.
"Magkaiba po yung movie sa ipinapakita namin ngayon," ang punto pa ni Angelica.
Napanood ang sexy star sa mga VMX projects na "Silab" (2021), "Eva" (2021), "Wag Mong Agawin Ang Akin" (2022), "Biyak" (2022), "An Affair To Forget" (2022), "Kaliwaan" (2022), "Home Service" (2023), "Haslers" (2023), "Kaskasero" (2024), at "Obsesyon" (2025).
Ayon pa kay Angelica, nag-iba talaga ang tingin sa kanya ng mga tao dahil sa VMX, "Hindi lang po sa akin. Sa mga VMX stars in general po.
"Marami naman pong naging issues. Kunwari, may mga sumikat na VMX stars na tumawid sa mainstream. Yan, katulad po nina Robb Guinto, Angeli Khang.
"Parang every time, kunwari may sabihin pong post na ganito, ganyan. 'Ayan, hala!' May mga comments yan for sure. Na kahit ako po mismo, nakikita ko na parang ang sinasabi din na, 'Uy! Di ba, ikaw yung nasa ano?' Why are you even stating the obvious?
"Bakit yung mga ibang sexy stars dati, like yung mga kapanahunan pa ng nanay ko na artista ngayon, magagaling naman. Nakatawid naman sila nang maayos.
"Bakit? Ano ang ipinagkaiba ng mga sexy stars dati sa ngayon? So, parang ang napapansin ko lang po, parang iyung mindset po talaga ng tao nagkakatalo.
"Hindi ko lang po maintindihan. Bakit big deal? Bakit sa ibang bansa, okay lang? Bakit kapag sa atin? Tapos yung mga nagsasabi pa po ng ganun, sila po mismo ang palihim na nanonood," himutok ni Angelica.
Umaasa si Angelica na makakatawid din siya sa mainstream, "Ano lang po siguro, process siya. Kumbaga lay low muna, wala nang hubad."
Anyway, kasama rin sa "All About Her" sina Yuki Sonoda, Kelley Day, Tony Labrusca, Pancho Magno, Jim Pebanco, Itan Rosales, at Marco Gomez, mula sa direksyon ni Joel Lamangan.
Isa ito sa anim na full-length films sa 8th Sinag Maynila filmfest na gaganapin sa March 23 to 29, 2026.
The post VMX bombshelle Angelica Cervantes bawal magpahawak ng boobs appeared first on Bandera.

No comments: