Carlo Aquino mas na-in love pa kay Charlie dahil sa pagmamahal nito kay Mithi

MAS lalong minahal at hinangaan ng award-winning actor na si Carlo Aquino ang kanyang misis na si Charlie Dizon.
Sobrang appreciated ng "A Special Memory" lead star ang effort ni Charlie na maglaan ng panahon para makapag-bonding sila ng kanyang anak na si Enola Mithi.
"Na-appreciate ko si April (Charlie) kasi nagri-reach out siya talaga, nilalaro niya, binibigyan niya ng time si Mithi," ang pahayag ni Carlo sa nakaraang episode ng "Fast Talk with Boy Abunda."
At mas lalo pa siyang natutuwa at nagpapasalamat sa Diyos dahil nakikita niyang mahal na mahal din ni Mithi ang kanyang stepmother.
"Kapag may video call, siya 'yung unang hahanapin. 'Where's Tita April?' 'Really, anak? Not Daddy first?'" natatawang kuwento ni Carlo.
Inilarawan naman ng aktor ang sarili bilang cool and chilax na tatay dahil gusto raw niyang lumaki ang anak na happy and fun lang kahit sa harap ng ibang tao.
"Kasi gusto ko siyang maging komportable sa mga tao. Gusto kong hindi siya aloof kasi hindi ko alam kung paano sa mom niya so kapag nasa akin, makulit ako, sinasabi ko lahat ng gusto ko para ganun din siya sa akin," aniya.
Gusto rin daw niya na sa paglaki ni Mithi ay maging open ito sa kanya, "Lalo na kapag babae kasi, para kapag nagka-boyfriend, magka-crush, gusto ko alam ko lahat.
"Gusto ko, I'm a cool dad pero ano pa rin ako, strict," sey pa ng leading man ni Bela Padilla sa certified blockbuster movie na "A Special Memory" under Viva Films na showing pa rin ngayon sa mga sinehan.
Si Mithi ay anak ni Carlo sa dating partner na si Trina Candaza. Ayon sa dating magkarelasyon, "good" and civil" ang kanilang co-parenting set-up sa kanilang anak.
Ikinasal sina Carlo at Charlie noong June 2024, sa isang indoor garden wedding ceremony sa Silang, Cavite.
The post Carlo Aquino mas na-in love pa kay Charlie dahil sa pagmamahal nito kay Mithi appeared first on Bandera.

No comments: