Jeric Raval sinabihan daw si Kylie na mag-file na ng annulment, AJ pumalag

KALAT na ang chikang sinabihan daw ng veteran action star na si Jeric Raval si Kylie Padilla na mag-file na ng annulment case sa kasal nila ni Aljur Abrenica.
Ito'y para raw mapawang-bisa na ang kasal ng estranged couple at mabigyan na uli sila ng pagkakataon na magpakasal sa mga bago nilang karelasyon.
Ikinasal sina Aljur at Kylie noong 2018 at naghiwalay nga makalipas ang tatlong taon. Maayos naman ang co-parenting setup nila sa kanilang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
May tatlo namang anak ngayon si Aljur kay AJ na magkasama nilang inaalagaan at pinalalaki.
Pero sa pamamagitan ng Instagram Stories, umalma si AJ sa balitang nagsalita ang tatay niyang si Jeric Raval at sinabihan umano si Kylie na maghain na ng petition for annulment of marriage sa korte para sa kalayaan nila ni Aljur.
Paglilinaw ni AJ sa naturang balita, "Fake news. 100%. My father would never mention a name. He's too old to be involved in something like this.
"Walang nag-aaway. We're all at peace," ang mariing pagtanggi ng dating Vivamax Queen.
Sabi pa ni AJ, "Hate us all you want. Continue spreading lies. Continue to take me down if that's what makes you happy. Kung saan kayo masaya gawin niyo. It doesn't matter anymore.
"What's important is what's happening inside our home, not what you see form the outside," saad ng celebrity mom.
"We're okay. Walang beef sa loob. Walang nag aaway at bati lahat. Let's start the day fresh and focus on positivity instead of negativity
"God bless you all," dagdag pang pahayag ng partner ni Aljur.
Matatandaang nitong nagdaang December, 2025, parehong kinumpirma nina AJ at Kylie na okay sila at hindi sila magkaaway. Sa katunayan, magkakalaro pa raw ang kanilang mga anak kapag magkakasama.
Sabi pa ni Kylie sa isang panayam, "I'm happy that as a mother AJ feels a sense of freedom for her children. That was very courageous and brave of her. I know that was the right thing for her to do.
"It's true sobrang mahal ng mga anak ko ang mga kapatid nila and that means everything to me and to us as their parents," sabi ng Kapuso actress.
Nagkuwento pa nga si Kylie sa "Fast Talk With Boy Abunda" tungkol sa aksidenteng pagkikita nila nina AJ at Aljur last year, "Actually, alam mo after that Tito Boy, nagkita kami by accident, all of us.
"Ang saya lang kasi I was waiting for that to happen kasi it's bound to happen. And when it did, our kids played together. And then we had dinner together. Ang saya lang.
"Si Aljur 'yung nagtanong, 'can we have dinner together kasi gusto ko makasama 'yung mga bata?' 'Sure, sure.'
"May table sila, du'n silang lahat, dito ako binubuo ko yung lego ni Alas.I respect their time kasi and I don't want to step on any you know… I love seeing them happy," pagbabahagi ni Kylie.
The post Jeric Raval sinabihan daw si Kylie na mag-file na ng annulment, AJ pumalag appeared first on Bandera.

No comments: