Joseph Marco may ibinuking tungkol kay Rhen Escaño: Wife material siya!

TODO ang papuri ng hunk actor na si Joseph Marco sa leading lady niyang si Rhen Escaño sa Viva One original series na "My Husband is a Mafia Boss."
Ito ang unang pagkakataon na nagtambal ang dalawa sa isang acting project pero in fairness, napakadali raw nilang naging comfortable sa isa't isa.
Kaya naman natural na natural daw na lumabas ang chemistry nila sa mga eksenang kailangan nilang magpakilig at ipakita na in love sila sa isa't isa.
"Sobrang enjoy ko po na makatrabaho si Rhen. I guess, ito yata yung pinaka-genuine na teamup na nagawa ko, and I am so blessed to have her as my leading lady for the Mafia Boss.
"I don't think I would be able to do the things I do here kung hindi siya ang ka-partner ko that's why I am so thankful," pahayag ni Joseph sa naganap na grand mediacon ng "My Husband is a Mafia Boss."
Dagdag pa niya, "Very healthy yung relationship namin and every time we have tapings, I am always excited to work with her.
"I feel so safe na siya yung kapartner ko. Sobrang supportive niya sa lahat ng mga eksena namin.
"Kahit alam ko na sobrang challenging yung mga magiging eksena, I am confident dahil alam ko nandiyan siya sa tabi ko," ang paglalarawan pa ni Marco kay Rhen.
Sa tanong kay Marco kung girlfriend material ba si Rhen, sagot ng binata, "I think more of wife material."
Samantala, aminado naman si Rhen na extra challenge para sa kanya ang magbida sa isang romcom series with a touch of action.
Kaya naman super thankful siya sa direktor nilang si Fifth Solomon na tinulungan siya kung paano niya ipo-portray nang bonggang-bongga ang kanyang karakter.
"Malaking bagay yung workshop bago nag-start yung taping kasi first time ko pong gumawa ng romcom na comedy talaga.
"Alam na alam ng lahat kung gaano kabaliw si Aemie. Sobrang yung character niya, talagang malala. Hindi siya madaling i-portray.
"Honestly, ang hirap ng kailangan kong maging OA. So, nu'ng workshop namin, as in siguro nakaka-two days na kami, nagwo-worry ako na hindi siya lumalabas naturally, tapos halatang iniisip ko yung script. Hindi mailabas ng funny side ko.
"Akala ko noong una, 'Hindi ko yata kaya. Paano?' Buti na lang, si Direk nandoon. Sobrang hands-on po niya. Kahit sa workshop, sumasama siya sa amin and we all know naman na sobrang witty and funny ni Direk Fifth.
"Kung kilala ninyo siya as a friend, alam ninyo talaga na sobra yung imagination niya na nakatulong talaga.
"Kaya du'n sa trailer, malaki ang percentage na ambag ni Direk Fifth. Lumabas yung character ni Aemie na sobrang funny na hindi kailangan na piliting maging funny," chika ni Rhen.
Mapapanood na ang romance-comedy series na "My Husband is a Mafia Boss" sa Viva One simula sa April 11.
Kasama rin sa cast sina Sara Joe,
Kyosu Guinto, R-Ji Lim, Icee Ejercito, Jaime Yllana, PJ Rosario, Maru Delgado, Dann Aquino at Aaliyah Coco.
The post Joseph Marco may ibinuking tungkol kay Rhen Escaño: Wife material siya! appeared first on Bandera.

No comments: