BREAKING NEWS

Vilma Santos hindi muna gagawa ng pelikula, priority ang Batangas

Vilma Santos hindi muna gagawa ng pelikula, priority ang Batangas
Vilma Santos

HINDI na tuloy ang plano ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto na gumawa ng pelikula bago matapos ang tatlong taong termino niya, para pagsilbihan ang kanyang constituents.

Matet nakiusap para sa mga PWD na hindi nakikita ang disability: 'Ang isyu ko lang…respeto naman'Dati kasi ay nagsabi si Ate Vi na sana'y payagan siya ng lalawigan ng Batangas na makagawa ng isang pelikula na ang pangarap niyang role ay isang Muslim o isang Person with Disability o PWD.

Nabanggit ito ng Star for All Seasons sa media friends bago niya tanggapin ang Hall of Fame Award (Dambana ng Kahusayan) at PinakaPASADONG Aktres sa 27th Gawad Pasado noong 2025 para sa pelikulang "Uninvited" na ipinalabas noong Metro Manila Film Festival 2024.

Bungad ni Gov. Vi, "Yung sinabi ko sana in three years pinagkatiwalaan ako ng Batangeño sana payagan ako gumawa kahit isa. Kaya lang at this point in time ang dami nating challenges. Medyo second o third priority na lang."

Nakausap namin aktres sa ginanap na screening ng pelikulang "Ekstra" na ginanap sa Manila Metropolitan Theater nitong Linggo, Marso 15 bilang Tribute to Women's Invisible Labor at selebrasyon na rin ng Women's Month na pinangunahan ng The National Commission for Culture and the Arts and the Film Development Council of the Philippines.

Pagpapatuloy ni Gov. Vilma tungkol sa mga nangyayari ngayon, "The challenges we are facing now, I am the mother of Batangas, yun muna priority ko. Kailangan magabayan pangangailangan nila. Yun ang first priority ko."

Na-excite nga raw si Ate Vi nang ipaalam sa kanya na magkakaroon ng special screening ang pelikulang "Ekstra" na nu'ng i-offer daw ito sa kanya ni Quantum Films producer Atty. Joji Alonso ay kaagad niyang tinanggap.

Ito'y kahit hindi pa niya nababasa nang buo ang script na isinulat ng tatlong direktor, sina Zig Dulay, Antoinette Jadaone at Jeffrey Jeturian na siyang nagdirek ng pelikula.

Ipinakita sa pelikula ang hirap ng mga ekstra na ngayon ay tinatawag ng talents at dahil sa ganda ng pelikula pati na ang reviews ay nais uling gumawa ni Ate Vi ng isa pang independent film.

"Nag-usap kami ni Direk Jeff, may hinahanap siya na script for me. Just in case meron ulit, I do not mind doing an indie film. 

"Sa haba ng career ko, isang indie lang nagawa ko (Ekstra)," ani Ate Vi.

At tulad nga ng sabi ng gobernadora ng Batangas ay matatagalan pa bago siya makagawa uli ng pelikula dahil nga prayoridad niya ang lalawigang kanyang pinagsisilbihan.

The post Vilma Santos hindi muna gagawa ng pelikula, priority ang Batangas appeared first on Bandera.


Vilma Santos hindi muna gagawa ng pelikula, priority ang Batangas Vilma Santos hindi muna gagawa ng pelikula, priority ang Batangas Reviewed by pinoyako on March 16, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close