Elias J TV kumasa sa acting challenge sa Encantadia: Proud po ako

SA kauna-unahang pagkakataon, sasabak na rin sa aktingan ang kilalang musikero na si Elias J TV.
Ibabandera ni Elias ang kanyang signature dance move at talento sa pag-arte sa Kapuso action-fantasy series na "Encantadia Chronicles: Sang'gre."
Excited na ang singer sa paglabas ng karakter niya sa naturang teleserye kung saan Elias din ang pangalan ng gagampanan niyang role.
"Hindi ko inaasahan na mag-guesting ako dito kaya ngayon proud na proud po ako sa sarili ko at naimbitahan nila ako," sabi ni Elias sa panayam ng "24 Oras."
"Proud pa rin ako at dinadala ko rin 'yung lenggwahe namin galing ng Mindanao," aniya pa.
Aminado si Elias na kinabahan at natensiyon siya sa mga unang araw ng kanilang taping dahil first time nga siyang aarte sa harap ng camera.
"Habang tumatagal nasasanay na rin. Okay lang naman 'yung pagsalita ng Tagalog, 'yung expression lang ng mukha kung paano gagawin. Tinutulungan nila ako para maitawid lang din," sey pa ni Elias.
Sa nasabi ring panayam, sinabi ng mga palaging kaeksena ni Elias sa "Sang'gre" na sina Jon Lucas at Prince Clemente na happy sila na makatrabaho ang singer.
"We're working with Elias ngayon at natutuwa ako. Siyempre na-excite ako na makita siya at makasama.
"Kasi sa totoo lang, kahit ako, mahilig tayo sa social media ngayon, so nakikita natin 'yung mga clips niya, 'yung mga videos niya," sey ni Jon.
Saad naman ni Prince, "Tsaka for a first-timer na mag-act sa isang teleserye, magaling siya kasi 'yung lines na-memorize niya lahat. 'Yung emotions din nandoon."
The post Elias J TV kumasa sa acting challenge sa Encantadia: Proud po ako appeared first on Bandera.

No comments: