BREAKING NEWS

SB19 Pablo sa mga kagrupo: Ang papangit naman, pinagkakaguluhan?!

SB19 Pablo sa mga kagrupo: Ang papangit naman, pinagkakaguluhan?
SB19

LAUGH kami nang laugh sa kuwento ng miyembro ng SB19 na si Pablo sa isang nakakaloka at nakakatuwang eksena noong wala pa siya sa grupo.

May ibinahaging chika si SB19 Pablo tungkol sa unang pagkakataon na nakita niyang nagpe-perform sina Felip, Justin, at Stell.

Natatandaan pa niya ang araw na iyon nang mag-volunteer daw sa isang culture caravan kung saan naging bahagi nga ng event ang tatlong miyembro ng SB19.

Sa guesting ng grupo sa YouTube vlog ng celebrity chef at content creator na si Ninong Ry, naichika ni Pablo ang naging reaksyon niya nang makita for the first time na kumanta at sumayaw sina Felip, Justin, at Stell.

Nagtaka raw talaga siya kung bakit pinagkakaguluhan ng audience ang mga kagrupo na niya ngayon.

"There's this one time na nag-volunteer ako sa isang culture caravan tapos nagsasayaw sila. Pinagkakaguluhan sila. Hindi ko po sila idol. Bina-bash ko sila noon," chika ni Pablo.

Humirit naman sa kanya si Stell, "Pero nu'ng nakatingin ka sa amin, nakanganga ka. Inabutan pa niya kami ng tubig."

"'Yun ang work ko nu'n. Kumbaga ako 'yung nag-assist sa mga guest," katwiran naman ni Pablo.

Hirit pa niya, "Sabi ko, 'Pucha, bakit ganito 'to? Ang papangit naman pinagkakaguluhan!? Ha-hahaha! Biro lang, biro lang!" Na sinundan ng tawanan ng mga taong nasa kusina ni Ninong Ry.

Pero sey ni Pablo, after niyang mapanood ang performance ng kanyang mga kagrupo noon sa culture caravan, naramdaman niyang gusto na rin niyang maging singer at dancer.

"Kahit paano na-inspire ako, sabi ko, sige nga subukan ko. Pero hindi naman agad-agad yun kasi nagwo-work nga ako," ani Pablo.

The post SB19 Pablo sa mga kagrupo: Ang papangit naman, pinagkakaguluhan?! appeared first on Bandera.


SB19 Pablo sa mga kagrupo: Ang papangit naman, pinagkakaguluhan?! SB19 Pablo sa mga kagrupo: Ang papangit naman, pinagkakaguluhan?! Reviewed by pinoyako on March 16, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close