Trulili ba, Sachzna Laparan binili lang ang ibinanderang college diploma?

NA-HURT ang social media personality na si Sachzna Laparan sa paratang ng mga bashers na binili lang daw niya ang kanyang college diploma.
Nakaka-offend daw ang mga naging comments ng ilang netizen nang ibandera niya sa buong universe ang bago niyang achievement sa buhay.
Sa pamamagitan ng Facebook, inamin ni Sachzna na nasasaktan siya sa pambebengga ng mga haters sa pag-graduate niya sa kolehiyo.
"Grabe yung overflowing messages na natatanggap ko ngayon — maraming nagsasabi na na-inspire sila sa story ko at naging motivation yung napagdaanan ko. Sobrang sarap sa pakiramdam na marami akong nai-influence sa mabuting paraan.
"Pero sa kabila nito, may mga negative pa rin at hindi masaya sa achievements ko. First time kong papatol sa fake news, dahil hindi biro ang mga napagdaanan ko.
"Nasasaktan ako sa ibang articles na nababasa ko na sinasabing binili ko daw ang diploma ko. Una sa lahat, hindi ganu'n ang pagkakakilala ko sa Philippine Christian University (PCU).
"Isa sila sa mga university na pro-working student at may magandang program para sa mga taong sobrang busy pero gusto pa rin makapagtapos ng pag-aaral," simulang pagbabahagi ni Sachzna.
"Pangalawa, parang ini-invalidate ninyo yung pagod, effort, at dedication ko para makapagtapos," dagdag pa niya.
Aniya, ito raw ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit isang beses lang siyang nag-post sa social media tungkol sa kanyang pagtatapos.
"Kaya nga isang beses ko lang ito pinost dati, dahil alam kong marami ang 'evil eye' at hindi magiging masaya. Gusto ko lang talaga na gulatin kayo at mapatanong kung 'Paano mo nagawa kahit sobrang busy mo at active sa social media?'
"Hindi ito madali kung wala kang determination. Matter of time, dedication, and sacrifice. Kaya nga hindi pa ako nag-aasawa o nagkakaanak, dahil may mga goals pa akong gustong tapusin.
"Sa mga pages na nagpapakalat ng fake news, sana magbago na kayo — 2026 na."
Ibinandera ni Sachzna sa kanyang socmed account ang kanyang graduation photo sa college na pinaka-proud na achievement daw niya sa life.
"I hope mas maging masaya na lang tayo sa achievements ng isa't isa. Napakadami na masyado nangyayari sa Pilipinas. Gawin natin inspiration ang bawat isa," sey pa ng social media personality.
Nag-graduate si Sachzna ng degree program na Bachelor of Science in Office Administration.
Sumailalim siya sa ETEEAP (Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program) ng PCU na talagang dinisenyo para makapagbigay ng flexible program sa mga estudyante sa pamamagitan ng blended learning method.
The post Trulili ba, Sachzna Laparan binili lang ang ibinanderang college diploma? appeared first on Bandera.

No comments: