BREAKING NEWS

Carlo Aquino inatake ng anxiety sa shooting: Ayokong sumakay sa rides

Carlo Aquino inatake ng anxiety sa shooting: Ayokong sumakay sa rides
Carlo Aquino at Bela Padilla

KNOWS n'yo ba na may fear of heights si Carlo Aquino kaya muntik nang hindi makunan ang isa niyang eksena sa pelikulang "A Special Memory"?

Naibahagi ng premyadong aktor ang tungkol dito sa members ng showbiz media kamakailan sa mediacon ng reunion movie nila ni Bela Padilla, under Viva Films and directed by Jerry Lopez Sineneng.

"Ito na, 'yung fear of heights ko, nagkaroon kami ng kaunting argument ni Direk Jerry kasi nga ayokong sumakay sa rides. 

"Pero kasi si Bel, gusto niyang kuhanin 'yung eksena na 'yun," pagbabahagi ni Carlo.

"So, ang ginawa ko, sobrang na-anxiety ako. So, nagagalit ako sa sarili ko. Pumutok ako du'n habang nandu'n na sa ride," aniya pa.

Dahil dito, medyo na-bad trip daw si Direk Jerry at ipinaalala kay Carlo na pumayag siyang gawin ang eksena bago pa ang kanilang shooting.

"Kinunan namin 'yung scene, nagawa ko. Pero hindi ko alam kung nasama dahil 'yung mukha ko tatakot-tatakot yata du'n," ani Carlo.

"Tapos after nu'ng scene, dahil nga ayoko nang magsayang ng mga oras na hindi kami mag-uusap, nakasama ko siya lumalaki ako sa industriyang ito, nilapitan ko na, humingi na ako ng dispensa. At right there, naging okay kami ni Direk," ani Carlo.

Samantala, hindi naman malilimutan ni Bela nang atakihin ng highblood si Carlo na naging dahilan kaya natigil ang kanilang shooting.

"May eksena kami rito ni Carlo na heavy scene. Magbabasag siya ng mga plato. So, dahil budget.com po kami rito at one camera lang nu'ng araw na 'yun, kailangan ko 'yung tailing camera na lumipat pa sa akin at mag-focus. So, I had to wait for a cue for me to look.

"Tapos, sabi ko, sobrang tagal na. Kanina pa nabasag 'yung plato, wala pa rin nag-cue sa akin.

"So, pagtingin ko si Carlo nasa sahig na, parang muntik siya mag-pass out, or nag-pass out. Na-high blood si Carlo sa eksena," pag-alala ni Bela.

"Si Carlo kasi kapag hindi kami nagti-take, kapag lunch, gusto niya kainin lagi mga liyempo, taba ng baboy. Siguro dahil sobrang payat niya, akala niya okay siya. 

"Hindi siya kumakain ng gulay, gusto niya ng kape, maraming kape. So, 'yun, high blood po siya sa set. Nu'ng nagbasag siya ng plato, talagang 'yung BP niya tumaas," pambubuking pa ni Bela sa kanyang leading man.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Carlo na ituloy pa rin nila ang shooting dahil ayaw niyang maging cause of delay. Ngunit nagdesisyon si Direk Jerry na huminto muna para makapag-rest muna si Carlo.

"But, no, he took it like a champ. Right after that, they checked his BP. They gave him something to smell. They gave him meds. He wanted to shoot right after. 

"Ayaw na naming lahat kasi nag-violet na 'yung labi niya. Gusto niya pa mag-shooting. Kinakusap ako ni direk sa comms. Sabi niya, 'Bells, 'Nak, sa ibang araw na natin itutuloy.' 'Ay, opo, Direk, opo.'

"So, kinalimutan ko na 'yung eksena. Tumigil na akong umiyak. Biglang si Carlo, nakita ko sumisenyas. Sabi niya, 'No, Direk, one more.' Ha? Bumitaw na ako," pagbabahagi pa ni Bela.

Papuri pa niya kay Carlo, "Sobrang galing masyado. Sobrang professional. So, I think, ang dami nangyari sa set na 'to. Health scares, height scares, rain, near-death experiences. 

"But, funnily, overall, I think this is one of my lightest projects to date. It was so easy to be on set, like Direk Jerry said. Wala masyado pressure. It was very easy," lahad ni Bela.

Showing na ngayon sa mga sinehan nationwide ang "A Special Memory".

The post Carlo Aquino inatake ng anxiety sa shooting: Ayokong sumakay sa rides appeared first on Bandera.


Carlo Aquino inatake ng anxiety sa shooting: Ayokong sumakay sa rides Carlo Aquino inatake ng anxiety sa shooting: Ayokong sumakay sa rides Reviewed by pinoyako on March 16, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close