Donny Pangilinan, Anthony nagpatupad ng P3/L bawas-presyo sa diesel

PINURI ng madlang pipol ang pamilya ng Kapamilya actor na si Donny Pangilinan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at produktong petrolyo sa Pilipinas.
Habang hindi tumitigil sa pagsirit ang halaga ng mga produkto ng langis, nagpatupad naman ng P3 tapyas kada litro sa presyo ng diesel ang gasolinahan na pag-aari ng mag-amang Donny at Anthony Pangilinan.
Sa pamamagitan ng Facebook, ibinalita ni Anthony sa publiko na magsisimula ngayong araw, March 17, ang bawas-presyo sa diesel sa kanilang gasolinahan sa South Forbes sa Cavite.
Sabi ng tatay ni Donny, pinag-aralan nilang mabuti ang epekto ng nagtataasang presyo ng mga produktong petrolyo hindi lang para sa kanilang negosyo kundi sa mas malawak na komunidad.
Aminado si Anthony na idea raw ni Donny ang magtapyas muna sa presyo ng diesel ngayon na totoo namang hindi maganda para sa gasoline station business.
"Assessed fuel prices and its effect on our business, but more importantly, our community.
"Our partner (yes, my son!) suggested a move that didn't make sense 'numbers wise' but was 100% in sync with our mission: support those who need it most in the community," ang mababasa sa FB post ng mister ng aktres na si Maricel Laxa.
"Starting tomorrow, March 17, we cut P3.00 per liter from our regular prices for diesel products in our station in South Forbes. Will keep it running for as long as we are able.
"Let's all do what we can, while we can, for as long as we are able," sabi pa ni Anthony.
Kasunod nito ang pagbuhos ng papuri at pasasalamat sa pamilya ni Donny na mas inuna muna ang pagtulong sa mga Pilipino kesa ang kanilang kikitain.
"Such a noble act from a business man. Thank you sir Anthony."
"The more you give back to help others, the more you'll be provided for to keep on helping them out."
"The goodness of humanity shines during its darkest times. Thank you for setting an example."
"While everything I see online is about the oil price hike, here comes Donny Pangilinan making my day by doing the exact opposite. That's why I love you so, so much!"
"Sana lahat ganito ang heart ng may-ari nang mga may gasolinahan… God bless your heart Donny Pangilinan and Sir Anthony Pangilinan."
"Respect for this decision. Businesses that care about their community make a real difference."
The post Donny Pangilinan, Anthony nagpatupad ng P3/L bawas-presyo sa diesel appeared first on Bandera.

No comments: