Fuel subsidy distribution sa probinsiya sisimulan sa Abril – Palasyo

NAGSIMULA na ang pamamahagi ng P5,000 financial aid sa mga operator at driver ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.
Ayon kay Executive Sec. Ralph Recto sa susunod na buwan magsisimula ang distribusyon ng fuel subsidy sa mga lalawigan kapag natapos na ang kumpletong listahan ng mga benepisyaryo.
Aniya layon ng programa na matulungan ang 396,352 public transport drivers sa Metro Manila upang maibsan ang epekto sa kanila ng pagsirit ng husto ng mga produktong-petrolyo.
"Two wheels, three wheels, four wheels, six wheels. Basta namamasada susubukan na maisama sa programa.
"Prayoridad ng Pangulo na agad matulungan ang ating mga tsuper na biktima ng kaguluhan sa Middle East. Kaya inilarga na agad ang tulong-pasada na ito," sabi pa ni Recto hinggil sa financial aid ng gobyerno.
Uunahin lang aniya ang pagbibigay ng ayuda sa tricycle drivers sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Transportation (DOTr), at ng mga lokal na pamahalaan.
Kasunod nito ang TNVS drivers, motorcycle taxi drivers, bus drivers, at jeepney drivers.
Inanunsyo na rin ni Recto ang paglulunsad ng Libreng Sakay program, na makakatulong sa mga manggagawa at estudyante, dahil na rin sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin.
The post Fuel subsidy distribution sa probinsiya sisimulan sa Abril – Palasyo appeared first on Bandera.

No comments: