BREAKING NEWS

Vhong Navarro umamin, umiinda na sa katawan habang nagkakaedad

Vhong Navarro umamin, umiinda na sa katawan habang nagkakaedad

AMINADO ang "It's Showtime" host na si Vhong Navarro na minsan ay dumadaung na rin siya sa kanyant katawan ngayong nagkakaedad na siya.

Sa latest episode ng vlog ni Diamond Star Maricel Soriano, natanong niya ang actor-comedian kung kumusta ang kanyang kalagayan.

"Magsimula muna tayo sa katawan. 'Pag ganito palang umeedad tayo medyo…nagsasalita na po 'yong katawan," saad ni Vhong.

Pagpapatuloy niya, "Sinasabi niya, 'Hindi mo na kaya. Sa isip mo na lang.' Sa isip natin, magagawa ko pa 'yon."

Baka Bet Mo: Vhong Navarro: Sa 'Showtime' kasi number 1 talaga bawal pikon

Sinang-ayunan naman ng Diamond Star ang pahayag ni Vhong.

"Ganyan din ang sinabi ko," sabi ng Diamond Star.

Ngunit ayon kay Vhong, pagdating sa kanyang mental health ay maayos naman ang kanyang lagay.

"Pero ngayon, sa mental, sa lahat, okay na okay po ako, Nay. Minsan may mga pagdadaanan tayo sa buhay, tine-test lang tayo ni God. Nilalambing lang tayo," sey ng TV host.

Hindi lang naman si Vhong ang dumaraan sa ganitong pakiramdam dahil paniguradong kahit ang mga ordinaryong Pilipino ay nakakaramdam rin ng ganito lalo na ang mga trentahin at kwarentahim.

Sa ngayon ay kaka-49 years old lang ng "It's Showtime" host matapos itong mag-birthday noong January 4.

The post Vhong Navarro umamin, umiinda na sa katawan habang nagkakaedad appeared first on Bandera.


Vhong Navarro umamin, umiinda na sa katawan habang nagkakaedad Vhong Navarro umamin, umiinda na sa katawan habang nagkakaedad Reviewed by pinoyako on March 24, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close