Sharon Cuneta, Gabby Concepcion may bagong TV series together, how true?

TRULILI kaya ang bulung-bulungang gagawa ng TV series si Sharon Cuneta sa GMA 7 kasama si Gabby Concepcion?
In passing ay nabanggit na ito sa amin pero dinedma namin dahil nga Kapuso network daw gagawa ang Megastar na para sa amin ay imposible kasi nga sa Kapamilya channel kunektado si Shawie at sa katunayan ay isa siya sa hurado ng Your Face Sounds Familiar na magtatapos ngayong Abril 2026.
Sa kasalukuyan ay nasa Singapore si Sharon kung saan nagkaroon siya ng emergency surgery dahil sa iniinda nitong sakit sa katawan.
Hanggang sa napanood namin ang "Cristy Ferminute" online show nina Nanay Cristy Frmin at Rommel Chika kaninang tanghali sa One PH YouTube channel na gagawa nga raw ng serye ang Megastar sa GMA 7 kasama ang ex-husband niyang si Gabby.
Baka Bet Mo: Sharon Cuneta sa pagkikita nina PBBM, Robredo: Walang plastikan
Sobrang excited na nga raw ang supporters nina Sharon at Gabby sa planong ito ng Siyete na matagal nang hinihintay.
Napaisip ulit kami bakit sa Kapuso network gagawa si Shawie? Hindi ba siya inalok ng ABS-CBN?
Ang ending ni 'nay Cristy, "Ito ang sinasabi GMA 7 ang magpo-produce ng serye, pero ka-collab nila ang ABS-CBN? Bakit hinintay pa na maglawit ng pain ang GMA. Ang tagal na panahon na si Sharon, e, nasa (FPJ's) Ang Probinsyano, di ba walang ginagawa na solo? Bakit hindi pa nila noon ibinigay, sigurado 'yan pasok na pasok na sa banga 'yun?"
Sundot ni Romel Chika, "Kaya nga maraming nag-iisip 'Nay kung ang kolaborasyon na ito ay espesyal ang teleseryeng ito kasi dalawa (channel)?"
"Oo ang maghahanda para dito, walang tipiditi gaya ng ibang proyekto na puro tipiditi, nakakatuwa basta inaabangan na po ng lahat ang gagawin ni Sharon sa GMA 7 na ang ka-collab ay ABS-CBN,"pahayag ni 'nay Cristy.
May tinanungan kami sat aga-GMA pero hindi kami binalikan ng sagot hanggang matapos naming sulatin ang balitang ito.
The post Sharon Cuneta, Gabby Concepcion may bagong TV series together, how true? appeared first on Bandera.

No comments: