BREAKING NEWS

Mataas na presyo ng langis hindi magdudulot ng brownout – DOE

Mataas na presyo ng langis hindi magdudulot ng brownout – DOE

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) na hindi magdudulot ng pagkawala ng suplay ng kuryente ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Sa pagdinig ng Senate Ad Hoc Committee on Proactive and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy, sinabi ni Energy Usec. Wimpy Fuentebella na hindi magreresulta sa brownout ang nararanasang oil crisis.

Sinabi ng opisyal na kung mapuputol ang suplay ng kuryente ito ay dahil sa mga isyu sa transmisyon at hindi sa patuloy na pagbulusok ng presto ng langis.

Tiniyak pa ni Fuentebella na regular silang maglalabas ng abiso kung mapuputol ang suplay ng kuryente para makapaghanda ang mga konsyumer.

Tuwing sasapat ang panahon ng tag-init, madalas na nakakaranas ng brownout ang maraming lugar sa bansa dahil sa pagbagsak ng mga planta ng kuryente at bunga na rin ng mataas na pangangailangan.

The post Mataas na presyo ng langis hindi magdudulot ng brownout – DOE appeared first on Bandera.


Mataas na presyo ng langis hindi magdudulot ng brownout – DOE Mataas na presyo ng langis hindi magdudulot ng brownout – DOE Reviewed by pinoyako on March 24, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close