Aktres feeling diva, isinusuka ng katrabaho; KimPau may bagong pakilig sa ‘The Alibi’

"PURO dada lang hindi naman kayang panindigan!" ito ang namutawi sa bibig ng kilalang female personality tungkol sa diva actress na may cryptic post tungkol sa ilang taong naka-trabaho niya sa pelikula na hindi niya nakasundo.
Pero ilang araw lang ang nakalipas ay tinanggal na ng aktres ang post niya dahil naisip niyang makaka-trabaho pala niya ulit ang mga taong ito sa seryeng gagawin niya.
Ayon sa female personality, "nagkasama kami ni (aktres), e, lola mo kasi diva attitude kaya nairita si (isa pang aktres) kaya inireklamo siya sa EP."
Mabait naman daw ang EP ng show kaya hinayaan na lang pero pinaliwanagan naman daw ang aktres na may diva attitude.
"Okay na di ba, ang kaso nakarating pa sa mga boss, e, di lumaki ang isyu nila. Pinag-usap-usap sila at okay na," sabi pa ng female personality.
Baka Bet Mo: Kilalang aktres nabuntis daw ng kilalang personalidad, nagpalaglag!?
At dahil magaling at okay naman ang ratings ng programa ng diva actress kaya may project ulit siya nagkataong same production team ang may hawak na ikinaloka rin nila sa isa't isa.
Walang magawa ang both sides dahil trabaho ito at kailangan ng lahat ng trabaho lalo na sa sitwasyon ngayon ng mundo na lahat ng bilihin ay nagtataasan kaya kailangan ng work at magtipid.
"Kaya binura niya, ha, ha, ha," tumawang sabi ng female personality na Marites din.
***
Bagong eksena agad nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang bumungad sa pilot episode ng "The Alibi: Ang Buong Katotohanan" na labis nagpakilig at nagpa-excite sa fans.
Tampok sa nakakaintrigang eksena ang malagkit na tinginan ng KimPau nang magtagpo sa unang pagkakataon ang kanilang mga karakter sa gitna ng kalsada dahil sa isang aksidente.
Nabulabog din ang fans sa palaban na awra ni Kim na nakasuot ng sexy na damit, kaya inaabangan na rin nila ang susunod pang mga bagong eksena sa mas mahabang bersyon ng serye.
"Unang episode palang binasag na agad yung akala mo'ng alam mo na, dahil napanood mo na nang paulit-ulit. Looking forward to witnessing never-before-seen moments that'll redefine the storyline. Yanigin niyo ulit ang mundo namin in another epic way," post ni @uhgood4u sa X.
Inulan din ng papuri ang umaapaw na chemistry ng dalawa, "Okay si Pau, ang galing mukhang totoo ang galit sa mata. Galing nila rito, 'yung chemistry umaapaw, tingin lang nila sa isa't isa," komento ni @nurminz69.
Samantala, ibinida na rin sa unang episode ang ilan sa mga mainit na komprontasyon, kabilang ang alitan nina Vincent (Paulo) at ng karibal niyang si Walter (Sam Milby), at ang sikretong relasyon ni Walter sa asawa ni Vincent na si Claudia (Sofia Andres).
Abangan ang misteryo sa mas mahabang bersyon ng The Alibi: Ang Buong Katotohanan gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, ng 8 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook. Napapanood din ang mga bagong episode pitong araw na mas maaga sa iWant. Mapapanood din ang serye sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
The post Aktres feeling diva, isinusuka ng katrabaho; KimPau may bagong pakilig sa 'The Alibi' appeared first on Bandera.

No comments: