Pagdinig sa impeachment complaints vs VP Sara tuloy bukas, Marso 25

INAASAHAN na sa pagsisimula ng pagdinig sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte bukas, ilalatag na ang mga ebidensya at ihaharap ang mga testigo na sa House Committee on Justice.
Ganap na alas-10 ng umaga isasagawa ang pagdinig sa People's Center sa Kamara sa pangunguna ni Batangas 2nd district Rep. Gerville "Jinky Bitrics" Luistro.
Ayon kay Luistro ang kanilang diringgin ang ang ikatlo at ikaapat na impeachment complaint na isinampa laban kay Duterte.
Inihain ang mga reklamo nina Fr. Joel Saballa at ito ay inendorso ni Mamamayang Liberal (ML ) Party-list Rep. Leila de Lima.
Samantala, ang pang-apat na reklamo ay inihain naman ng abogadong si Nathaniel Cabrera at inendorso nina Manila 6th district Rep. Bienvenido "Benny" Abante Jr. at La Union 1st district Rep. Paolo Ortega.
Maaari rin matalakay sa pagdinig ang mga nakabinbin na mosyon, kasama na ang pagpapalabas ng subpoena para sa mga dokumento.
Inaasahan na magpapalabas na rin ng resolusyon ukol sa petisyon na isailalim sa kustodiya ng komite si Ramil Madriaga, na nagpakilalang dating "bagman" ni Duterte.
The post Pagdinig sa impeachment complaints vs VP Sara tuloy bukas, Marso 25 appeared first on Bandera.

No comments: