BREAKING NEWS

Tulong, proteksyon sa ‘middle class’ huwag kalimutan – JV Ejercito

Tulong, proteksyon sa 'middle class' huwag kalimutan - JV Ejercito
JV Ejercito

IPINAALALA ni Sen. JV Ejercito na hindi dapat makalimutan na tulungan ang mga nasa "middle class" na Filipino.

Idiniin ni Ejercito na apektado rin ng kasalukuyang krisis na dulot ng digmaan sa Middle East ang mga nasa "middle class" at hindi nabibigyan ng ayuda ang mga ito.

Bagamat ang mga minimum wage earner, OFWs, PUV drivers at "breadwinner" ng pamilya ang pinaka-apektado, kailangan din tulungan ang "middle class," na 40 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas sabi pa ni Ejercito.

Binanggit pa ng senador na ang mga nasa "middle class" sa Vietnam, Thailand at Indonesia ay binibigyan ng ayuda ng kanilang gobyerno.

Nangangamba si Ejercito na mahuli ang Pilipinas sa pagtulong sa "middle class" dahil sa kapos na koordinasyon sa pagitan ng mga kinauukulang ahensya.

Umaasa din ito na makakabuo na ng inter-agency task force para sa mga gagawing pagkilos ng gobyerno upang maibsan ang mga epekto ng sigalot sa pagitan ng US-Israel at Iran.

The post Tulong, proteksyon sa 'middle class' huwag kalimutan – JV Ejercito appeared first on Bandera.


Tulong, proteksyon sa ‘middle class’ huwag kalimutan – JV Ejercito Tulong, proteksyon sa ‘middle class’ huwag kalimutan – JV Ejercito Reviewed by pinoyako on March 24, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close