Claire Castro nilahad mga programa para sa middle class sa patuloy na oil price hike

INILATAG ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro ang umano'y mga programa ng gobyerno para sa mga Pilipinong maituturing na "middle class" kaugnay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Nitong Lunes, March 23, sa ginanap na press briefing, sinabi ng PCO undersecretary ang mga hakbang para makatulong sa mga kababayan sa panahong ito."Ngayon, makikita po natin, mayroon pong inilunsad na 50% discount sa MRT-3 and LRT-2. 'Yan po ay malaking bahagi at malaking bagay po na tulong ng ating Pangulo at ng gobyerno sa ating mga kababayan," saad ni Usec. Castro.
Pagpapatuloy niya, "Nandiyan din po ang inilulunsad na libreng sakay, at kapag ka po nandiyan na po ang gagawing pag-reduce or pag-suspend ng excise tax, mararamdaman din po natin ito dahil maybe hindi sila bumibili ng kanilang gasolina pero indirectly, makakaramdam po sila ng kapakinabangan dito."
Baka Bet Mo: Claire Castro humihingi ng P500-M danyos sa libel case ni Leviste
Nausisa rin si Castro kung ano na ang lagay ng hindi pa napipirmahang panukala tungkol sa pagbawas o suspensyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
"This is the mere fact that the President wants it to be enforced immediately. The only reason that he could not do it because the bill has not been reached the President, as of now," sey ng press officer.
Dagdag pa niya, hindi niya alam kung bakit naaanrala ang pag-usad ng naturang bill lalo na't ang nais lang ng pangulo ay mabigyan ng emergency powers at gumawa ng mga hakbang na mabawasan ang "impact" ng krisis na nagaganap sa Middle East."So, ngayon po, kung pag-uusapan po natin ang suplay ay wala po tayong sasabihing krisis pagdating sa suplay. Maybe mayroon pong price disruption dahil nga po sa nangyayaring oil crisis sa Middle East. So, 'yon po 'yong pananaw ni Secretary Garin," ani Castro.
The post Claire Castro nilahad mga programa para sa middle class sa patuloy na oil price hike appeared first on Bandera.

No comments: