LANY agaw-pansin sa bagong profile pic, hirit ng netizens: #LetLANYLead
ALIW ang mga hirit ng Pinoy netizens sa ginawang pagpapalit ng profile picture sa social media pages ng American dream-pop band na LANY.
Tila may mga nag-relapse pa na mga kakampink dahil pamilyar ang larawan lalo na noong nagdaang 2022 national elections.
Nitong Lunes kase, March 23, nagpalit ang LANY ng profile picture ng rosas na may pink na background.
Marami ang humirit at nadawit pa nga ang dating bise presidente na si Atty. Leni Robredo.
Baka Bet Mo: Paul Klein ng LANY naaksidente sa motor, hirap maglakad, gumalaw pero…
Matatandaang nakilala bilang simbolo ng mga Kakampink o mga taga suporta ng tambalang Leni at Kiko Pangilinan na tumakbo bilang presidente at bise presidente noong 2022 ang rosas at ang kulay na pink.
Kaya naman hindi napigilan ng iba ang mag-comment at i-reshare ang larawan lalo na't medyo malapit ang "LANY" at "LENI" kapag binigkas.
"LetLANYLead," saas ng isang netizen.
"you asked for LANY but they gave you Mayor Leni Robredo instead," comment naman ng isa.
Hirit naman ng isa, "The amount of coincidences, from its name and everything in this picture is craaazy."
"LANY Robredo yarn? Taray, kakampink rin pala sila sa Amerika," sey naman ng isa.
Dagdag pa ng isa, "Sa gobyernong tapat, I love you so bad. Where did we go wrong? I know we started out alright."
The post LANY agaw-pansin sa bagong profile pic, hirit ng netizens: #LetLANYLead appeared first on Bandera.

No comments: