Bongbong Marcos inanunsyo P10,000 fuel subsidy sa passenger buses

TATANGGAP ng P10,000 fuel subsidy mula sa gobyerno ang mga pampasaherong bus sa bansa ayon kay Pangulong Bongbong Marcos.
Ito ang inanunsyo niya sa kanyang pagbisita sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Parañaque City kaninang umaga.
"So, tulungan ninyo naman kami para yung mga ating riding public ay hindi masyadong mahirapan, unang-una, at hindi sila masyadong mabigatan sa pamasahe dahil nga alam naman natin kung ano yung pangyayari – nagbabago yung presyo ng langis all over the world," sabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga nakaharap na bus operators.
Baka Bet Mo: P5,000 fuel subsidy distribution sa jeep, trike drivers sisimulan sa Metro Manila
Tiniyak ng Punong Ehekutibo na ginagawa ng gobyerno ang makakaya para mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Pinasalamatan at pinakiusapan niya ang PUV operators at drivers na patuloy na makipagtulungan sa gobyerno.
"Kung mayroong maging problema o kung mayroong sa palagay ninyo maging mas magandang sistema o to make it easier, make it faster, make it more convenient for you, for the riding public, sabihan niyo kami,' bilin niya sa mga ito.
Tiwala si Marcos Jr., na malalagpasan ng mga Pilipino ang epekto ng krisis sa Gitnang Silangan sa kooperasyon ng pribadong sektor.
The post Bongbong Marcos inanunsyo P10,000 fuel subsidy sa passenger buses appeared first on Bandera.

No comments: