BREAKING NEWS

Spider-Man star Tom Holland ikinasal na kay Hollywood actress Zendaya

Spider-Man star Tom Holland ikinasal na kay Hollywood actress Zendaya
Zendaya at Tom Holland

NAGPAKASAL na ang Hollywood actress na si Zendaya at "Spider-Man: No Way Home" star Tom Holland

Kinumpirma ito ng long-time stylist ni Zendaya na si Law Roach sa isang panayam.

Nabanggit daw ni Law ang tungkol sa wedding ng dalawang international star nang dumalo siya sa 2026 Actor Awards kahapon, March 1.

"The wedding has already happened. You missed it," ang sabi ni Law sa nag-interview sa kanya.

Tanong uli ng isang reporter kay Law na tila hindi makapaniwala, "Is that true?"

"It's very true!" natawang tugon ng stylist ni Zendaya. 

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa naglalabas na anumang pahayag sina Tom at Zendaya Tom para kumpirmahin o pabulaanan ang tungkol sa naganap umanong kasalan.

Last year, may mga naglabasang balita na enagaged na sina Zendaya at Tom matapos mang-agaw ng eksena ang aktres sa Golden Globe Awards dahil sa suot niyang diamond ring.

Balitang nagsimula ang love story ng dalawa matapos nilang gawin ang "Spider-Man: Homecoming" ng Sony at Marvel Cinematic Universe na ipinalabas noong 2017.

The post Spider-Man star Tom Holland ikinasal na kay Hollywood actress Zendaya appeared first on Bandera.


Spider-Man star Tom Holland ikinasal na kay Hollywood actress Zendaya Spider-Man star Tom Holland ikinasal na kay Hollywood actress Zendaya Reviewed by pinoyako on March 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close