Sofia Andres nagpakilalang si Jeff Canoy sa TV Patrol Express: Lutang moment

NAGPASABOG ng good vibes at katatawanan ang Kapamilya actress na si Sofia Andres matapos ma-wow mali sa "TV Patrol Express".
Laugh nang laugh ang mga nasa studio ng naturang news program ng ABS-CBN nang magkamali si Sofia sa huling spiel niya para magpaalam.
Sa halip kasi na ang pangalan niya ang banggitin ay ipinakilala niya ang sarili bilang si ABS-CBN news anchor-journalist Jeff Canoy.
Nag-guest si Sofia sa "TV Patrol Express" kamakailan para ibalita ang showbiz news para sa promo na rin ng teleserye niyang "The Alibi" na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Sa outro spiels ng programa, tila nakalimutan ni Sofia na may kailangan pa siyang basahin, kaya naman si Jeff Canoy na ang nag-start ng kanyang sasabihin.
"Ako po…" ang pagbasa ni Jeff sa spiel sabay tingin kay Sofia.
"Ako po si… Jeff Canoy…" ang naguluhan at tila nagulat namang sey ni Sofia. Agad naman siyang itinama ni Jeff.
"Sofia Andres…" ang natawang pagtatama ni Jeff sa aktres. Laugh na rin si Sofia sabay yakap sa news anchor.
In fairness, ride na lang si Jeff sa blooper ni Sofia at natatawang nagpakilala ng, "At ako po si Sofia Andres, maraming salamat, at magandang hapon, Kapamilya!"
Nagtawanan din ang mga nasa loob ng studio dahil sa nangyari kay Sofia.
Kasunod nito, ipinost ni Sofia sa kanyang social media account ang video clip ng guesting niya sa news programa ng ABS-CBN.
"Ako tuwing Monday be like: Best lutang moment hahhaha Jeff Canoy," ang nakasulat sa kanyang caption.
Ni-repost din ni Jeff ang naturanf video sa Facebook na kay caption na, "May bagong Jeff Canoy na."
The post Sofia Andres nagpakilalang si Jeff Canoy sa TV Patrol Express: Lutang moment appeared first on Bandera.

No comments: