Janine Gutierrez sa pambabastos ni Suntay kay Anne: Nakakagalit! Kadiri!

DIRING-DIRI ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez sa ginawa ni Quezon City 4th district Rep. Bong Suntay laban kay Anne Curtis.
Para sa award-winning actress, lantarang kabastusan at kawalang respeto sa mga kababaihan ang inasal ng kongresista lalo't ginawa niya ito sa isang congressional hearing.
"Sobrang nakakagalit. Kadiri for that to be even said out loud anywhere more so to be said in a place of power and public office," ang pahayag ni Janine sa panayam ng ABS-CBN.
Dagdag pa ng girlfriend ni Jericho Rosales, "So, siyempre ang sama talaga pakinggan.
"And hopefully, this serves as a lesson to all other men, politicians to be reminded that, that is not acceptable," aniya pa.
Pinuri naman ni Janine si Anne sa naging aksyon nito laban kay Suntay, at sa paninindigan nito para ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan.
"I really admire what she said, na anuman yung nangyari sa kanya sabi niya it's not just about her.
"She really used her platform para magsalita in behalf of all the women who experienced these things. Siyempre, we're all behind her," saad pa ni Janine.
The post Janine Gutierrez sa pambabastos ni Suntay kay Anne: Nakakagalit! Kadiri! appeared first on Bandera.

No comments: