BREAKING NEWS

Shuvee Etrata  ‘di pa sinasagot si Anthony Constantino: 10 years pa!

Shuvee Etrata 'di pa sinasagot si Anthony Constantino: 10 years pa!

MUKHANG wala pang balak na mag-love life at focus muna ang Kapuso artist na si Shuvee Etrata sa kanyang karera sa ngayon.

Sa kanyang guesting sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes, March 30, nausisa ang dalaga patungkol sa kapwa Kapuso talent na si Anthony Constantino.

Para sa mga hindi aware, si Anthony ay ang matagal nang manliligaw ni Shuvee.

Sa kabila ng madalas ma pagkakakita sa kanila na magkasama, tila wala pa ring balak ang dalaga na i-level up into something else ang kanilang relasyon.

Baka Bet Mo: Shuvee Etrata, Charlie Fleming tuloy ang swerte, nagsama uli sa bagong collab

At nang matanong nga si Shuvee kung sasagutin na ba niya ang dalaga ay mukhang matatagalan pa bago sila maging opisyalz

"Mga ten years more, nang mahirapan siya nang mahirapan," panimula ng dalaga.

Pagpapatuloy ni Shuvee, "Kasi baka 'pag sagutin 'yan baka do'n pa, alam mo 'yon. Saka, there's no rush talaga, TIto Boy."

Aniya, sa ngayon ay gusto niyang mas makilala pa ng madlang pipol si Anthony bilang siya at hindi dahil lang sa kanilang koneksyon.

"Gusto ko nga ngayong makilala siya as who he is. Si Anthony is interesting as a guy, as a man. So, it's for people to see na makita siya na hindi lang about connected sa akin, gusto kong makilala siya ng tao for who he is," lahad ni Shuvee.

Kahit na hindi pa sigurado kung kailan magle-level up ang relasyon nila ay sinabi naman niyang exclusively dating silang dalawa.

Matatandaang sa isang panayam noong Hunyo 2025 ay kinumpirma ni Shuvee na nanliligaw na sa kaniya si Anthony bago pa man siya pumasok sa Bahay ni Kuya.

Samantala, sa darating na Abril naman ay ipapalabas na sa mga sinehan ang kanilang "'Wag Kang Titingin".

The post Shuvee Etrata  'di pa sinasagot si Anthony Constantino: 10 years pa! appeared first on Bandera.


Shuvee Etrata  ‘di pa sinasagot si Anthony Constantino: 10 years pa! Shuvee Etrata  ‘di pa sinasagot si Anthony Constantino: 10 years pa! Reviewed by pinoyako on March 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close