BREAKING NEWS

Final report ng ICI sa umano’y korapsyon sa DPWH hawak na ni Marcos

NAIBIGAY na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Final Report, at nasa kanya na kung ito ay ilalabas sa publiko.

Ito ang ibinahagi ni Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste sa kanyang Facebook post kaugnay sa talamak na korapsyon umano sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

"Nagpapasalamat ako kay ICI Chairman Andy Reyes at sa iba pang mga miyembro ng ICI na nagbahagi ng kanilang mga sentimyento ngayong huling araw ng ICI. Nakiusap ang ICI na huwag i-quote sa media ang ilan sa mga sinabi nila sa akin, at hindi na rin sila humaharap sa media tulad ng dati," bungad ni Leviste sa post. 

Paliwanag niya, hindi nailabas ng ICI ang Final Report dahil sa pangambang maaari silang balikan kung matutukoy kung sino ang mga sangkot sa korapsyon sa DPWH.

Baka Bet Mo: Rep. Leviste: Kung papatayin n'yo ako, lalabas buong katotohanan sa DPWH

Nabanggit din ni Cong. Leviste na kulang umano sa suporta ang komisyon, habang isinasagawa ang kanilang imbestigasyon.

"Hindi sila binigyan ng contempt powers o immunity. Hindi sila binigyan ng budget habang isinasagawa ang mga imbestigasyon. At hindi rin ipinasa ng Kongreso ang batas na magtatatag sana ng isang Independent People's Commission upang maipagpatuloy ang kanilang trabaho, kaya mawawalan na ng trabaho ang mga empleyado ng ICI bukas," sey pa niya.

Dahil sa mga kakulangang ito, sinabi ni Leviste na walang matutukoy na mastermind ng korapsyon sa DPWH ang Final Report ng ICI.

Gayunman, iginiit niya na mahalaga pa ring mailabas ang ulat, kasama ang transcript ng lahat ng ICI hearings.

"Naghintay tayo para sa araw na ito upang malaman kung ano ang naging bunga ng lahat ng ginawang imbestigasyon. Nakakalungkot na tila pinapatahimik na lamang ang isyu ng flood control," saad niya.

The post Final report ng ICI sa umano'y korapsyon sa DPWH hawak na ni Marcos appeared first on Bandera.


Final report ng ICI sa umano’y korapsyon sa DPWH hawak na ni Marcos Final report ng ICI sa umano’y korapsyon sa DPWH hawak na ni Marcos Reviewed by pinoyako on March 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close