Kathryn Bernardo, Mark Alcala naresibuhan, magkasama sa Thailand airport

KALAT na ngayon sa social media ang larawan ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo kasama si Lucena City Mayor Mark Alcala sa Suvarnabhumi Airport sa Thailand.
Tila ito na ang resibong magkukumpirma sa kumakalat na chikang magkasama ang dalawang lumipad papuntang ibang bansa para i-celebrate ang kaarawan ng aktres.
Matatandaang naisulat na namin dito sa BANDERA kamakailan na namataan ng isang netizen sina Kathryn at Mark na magkasama sa Ninoy Aquino International Airport at papunta umano sa Thailand.
Marami ang nag-abang sa post ng aktres upang makumpirma kung may katotohanan ang mga balitang sa Thailand nga pupunta ang dalawa ngunit walang naging update ang aktres sa kanyang social media platforms.
Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo huli ng netizens, na-soft launch si Mark Alcala?
Agad ngang umani ng samu't saring komento mula sa madlang pipol ang naturang larawan nina Kathryn at Mark na kalat na sa social media.
"Yan ang mayor namin! Hindi lang pang-Lucena, pang-international pa!" saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, "Working ka pa ba Mayor? Yung totoo? Saan mo kinuha panggastos?"
"Bakit ba kasi hindi na lang umamin. Minsan nakakasawa na rin silang mabasa sa news. Parang gustong-gusto na nababalita. Wala namang problema kung aamin kasi parehas namang single," hirit naman ng isa.
Samantala, wala pa namang pahayag sina Kathryn at Mark hinggil sa isyu.
The post Kathryn Bernardo, Mark Alcala naresibuhan, magkasama sa Thailand airport appeared first on Bandera.

No comments: