BREAKING NEWS

Ate Gay tinulungan ni Heart Evangelista: Monthly n’ya po ako binibiyayaan

Ate Gay tinulungan ni Heart Evangelista: Monthly n'ya po ako binibiyayaan

ISA sa mga tumulong nang bonggang-bongga sa pagpapagamot ni Ate Gay ay ang Kapuso star na si Heart Evangelista.

Habangbuhay na pasasalamatan ng host-comedian ang aktres at global fashion icon dahil sa pagsuporta nito sa kanya sa pakikipaglaban sa cancer.

"Napakabuti ni Heart. Si Ma'am Heart, ayun ay nakilala kong may gintong kutsara sa labi. 

"Kasi bata pa lang ako nakikita ko na siya, nagwo-work ako sa Singing Cooks and Waiters," ang pahayag ni Ate Gay sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda."

Baka Bet Mo: Ate Gay naging kolektor ng taya sa jueteng, janitor, dishwasher

Kuwento ni Ate Gay, tinawagan daw ng personal assistant ni Heart ang manager ni Allan K para makakonek sa kanya nang malaman ang kanyang karamdaman.

"Monthly niya po 'ko binibiyayaan," sey niya na inalok pa raw ng Kapuso actress na dalhin siya sa Singapore para doon ipagamot.

"Isa 'yon sa mga ibinigay sa akin ni Lord, at napakasuwerte ko na may tumulong sa akin. Mahal nila ako, at marami pa pong iba," aniya pa.

Nabanggit din niya ang Gabay Guro chairperson na si Chaye Cabal-Revilla na sumagot naman sa gamot at bills niya sa Asian Hospital.

"Mula day one, pati hanggang ngayon. Kasi 'yung expensive na immunotherapy sinagot din 'yun, 12 days po 'yun. 

"Biruin mo, 346,000 isang session at labing-dalawa po 'yun," aniya pa.

Ang iba pang celebrity na nagpaabot ng tulong kay Ate Gay ay sina Allan K, Coco Martin, Jolo Revilla, Mark Lapid at Lito Lapid.

"Nakita ko silang lahat sa panahon na kailangan ko sila, kahit 'di ko hiningi. Kusa silang dumating sa buhay ko, kusa silang nagbigay. 'Yun ang inaano ng puso ko," pahayag pa ni Ate Gay.

Matatandaang sumailalim sa chemotherapy at radiation therapy si Ate Gay matapos ma-diagnose ng Stage 4 cancer.

Noong November, 2025, ibinahagi ng komedyante na "graduate" na siya sa radiation at chemotherapy. Maayos na raw ngayon ang kundisyon ni Ate Gay at hinihintay na lamang ang susunod na sasabihin ng mga doktor.

The post Ate Gay tinulungan ni Heart Evangelista: Monthly n'ya po ako binibiyayaan appeared first on Bandera.


Ate Gay tinulungan ni Heart Evangelista: Monthly n’ya po ako binibiyayaan Ate Gay tinulungan ni Heart Evangelista: Monthly n’ya po ako binibiyayaan Reviewed by pinoyako on March 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close