BREAKING NEWS

John Lapus nakalimutang magbura ng make up, mga nakakita nagulantang

John Lapus nakalimutang magbura ng make up, nakakita nagulantang

NAKAKALOKA ang naging experience ng comedian-director na si John Lapus habang siya ay nasa isang toll collection system.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya ang isang video kung saan ikinukuwento niya kung bakit nagugulat ang mga tao na nakakakita sa kanya.

"Nawala 'yong Autosweep card ko. Ang nandito lang 'yong Easytrip pa-North. Siyempre kailangan 'yon 'di ba 'pag di bumubukas 'yong barrier," panimula ni Sweet.

Dahil nga raw sa nawawala ang kanyang card ay minabuti jiyang umakyat sa opisina at kumuha ng naturang card para sa pagbabayad sa toll.

Baka Bet Mo: John Lapus ipinagdarasal na makulong si Rodrigo Duterte

Kuwento pa ni Sweet, "So, umakyat ako dito sa Araneta Avenue para nga kumuha ng Easytrip na card. Nawala sa isip ko galing nga pala ako ng shooting.

"So pagbukas ko ng bintana, nagulat 'yong mga tao kasi ganito ang hitsura ko."

Makikita sa video ang mukha ni Sweet na puno ng make up na medyo scary.

Humingi naman siya ng paumanhin sa gwardiyang bantay noong mga araw na 'yon.

"Sorry kay Kuya na bantay sa Autosweep," saad ni Sweet.

Ang Autosweep ay ginagamit kapag dumadaan sa South Luzon Expressway, Ninoy Aquino International Airport Expressway, STAR Tollway, Skyway, Skyway Stage 3, Muntinlupa-Cavite Expressway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.

The post John Lapus nakalimutang magbura ng make up, mga nakakita nagulantang appeared first on Bandera.


John Lapus nakalimutang magbura ng make up, mga nakakita nagulantang John Lapus nakalimutang magbura ng make up, mga nakakita nagulantang Reviewed by pinoyako on March 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close