Seafarer wagi ng P45-M sa Grand Lotto 6/55, hindi na iiwan ang pamilya

INSTANT milyonaryo ang isang seafarer matapos mapanalunan ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/55.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang nagwaging solo bettor ay isang dekada nang tumataya sa lotto.
Napanalunan ng lucky winner ang premyo sa Grand Lotto 6/55, na binola noong March 9.
Nahulaan ng solong naka-jackpot ang winning numbers na 38-32-08-20-19-09 kapalit ang tumataginting na P45 million.
Sinabi ng jackpot winner sa PCSO, ang mga numerong tinatayaan niya ay petsa ng kapanganakan ng mga mahal niya sa buhay at ilang mahahalagang pangyayari.
Aniya pa, ilang taon na rin siyang nagtatrabaho bilang isang seafarer ang matagal-tagal na siyang nagtitiis at nagsasakripisyo na malayo sa pamilya.
Sabi pa ng instant milyonaryo, pipirma na sana uli siya ng kontrata sa kanyang employer pero dahil sa pagkapanalo sa lotto, hindi na niya iiwan ang pamilya sa Negros Occidental.
Gagamitin niya ang napanalunang pera sa pagbabayad ng utang at magtatayo ng negosyo kasama ang pamilya.
The post Seafarer wagi ng P45-M sa Grand Lotto 6/55, hindi na iiwan ang pamilya appeared first on Bandera.

No comments: