BREAKING NEWS

Rabiya Mateo nasa ‘very happy’ place, pinaliligaya ni Jake Cuenca?

Rabiya Mateo nasa 'very happy' place, pinaliligaya ni Jake Cuenca?
Rabiya Mateo at Jake Cuenca

HINDI diretsahang nagbanggit ng pangalan si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, ngunit kinumpirma niyang may nagpapasaya sa kanya ngayon.

Nasa "happy place" raw ang estado ng kanyang puso ngayon matapos ang breakup nila ng kanyang ex-boyfriend, ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

Nali-link ngayon ang actress-beauty queen sa Kapamilya actor na si Jake Cuenca matapos silang maispatan together recently sa isang restaurant sa Bonifacio Global City sa Taguig. 

Hindi kinumpirma ni Rabiya kung boyfriend na niya ang hunk actor pero masaya raw ngayon ang kanyang personal life.

"Parang tumitibok naman siya in general. Pero I would say na I'm in a happy place, very, very happy. I'm so grateful sa lahat ng lessons from the past.

"It made me realize na kung ano man yung mga heartaches or yung mga bad na nangyari sa 'yo in the past, it's gonna get better. Sasaya ka ulit," sabi ni Rabiya sa isang panayam.

Aniya pa, "Kasi nasa process pa lang ng kailangan mo talagang kilalanin at kailangan mo tingnan if compatible ba kayo or not. 

"Yung compatibility, loyalty, even love, it is tested with time so I need to wait for it, walang minamadali," chika ng dalaga.

"Ine-enjoy ko lang yung process pero I think yung paglagay ng label, I think nasa babae din yan, nasa akin yung ball game ngayon. 

"Hawak ko yung bola ngayon. I just want to take things slow. I think we have this common understanding na we want to know each other," sabi ni Rabiya. 

Nasa proseso pa rin daw siya ng pagmu-move on mula sa kanyang last relationship, "You have to heal muna. Minsan kasi yung thinking natin na okay after a heartache, bago na naman. 

"It doesn't work. You need to do all the self-work, inner work. You need to process the breakup, give some time para pag dumating na yung potential mabibigay mo yung best mo," sabi pa ni Rabiya.

The post Rabiya Mateo nasa 'very happy' place, pinaliligaya ni Jake Cuenca? appeared first on Bandera.


Rabiya Mateo nasa ‘very happy’ place, pinaliligaya ni Jake Cuenca? Rabiya Mateo nasa ‘very happy’ place, pinaliligaya ni Jake Cuenca? Reviewed by pinoyako on March 25, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close