BREAKING NEWS

Sofia Trazona sinita si Alvin Aragon sa patutsada kay Boy Abunda

Sofia Trazona sinita si Alvin Aragon sa patutsada kay Boy Abunda

BINANATAN ni Sofia Trazona ang kanyang stepfather na si Alvin Aragon matapos itong maglabas ng patama laban sa "King of Talk" na dapat tanggalan ng show.

Sa kanyang Facebook post, kinuwestiyon ng anak ni Izzy ang stepfather kung bakit pa ito sumama sa interview gatong ang tingin niya sa show ay nagpapakalat ng impluwensya na ayos lang ang pagkakaroon ng mga anak na miyembro ng LGBTQIA+ community.

"you weren't supposed to be on that show. the irony is sumampa ka sa show knowing na tito boy is part of the community because you'll benefit from it pero nung other guests shared their piece, ayaw mo na sa show?" saad ni Sofia.

Dagdag pa niya, "also wala na bang ibang issue? why not try speaking for the oil price hike or hindi pag pasok ng mga government officials."

Baka Bet Mo: Sofia Trazona napagbuhatan ng kamay ni Alvin Aragon: Nag-sorry naman

Matatandaang nitong Lunes, March 23, may pa-open letter ang stepdad ni Sofia sa isa sa mga big bosses ng GMA Network na si Ma'am Annette Gozon-Valdes.

"Maam Annette, Ang king of talk ang dapat inaalisan ng show at ang writer ng show. Kasi he uses, they uses this platform to encouraged and influenced Filipino people especially Filipino parents. Gusto nila palabasin na Ok lang, Na walang masama ang maging bakla, maging tomboy, maging trans at maging queer.

"Maam annette alam natin na kasalanan yan sa Mata ng King of kings natin.Stop propagating Sin of homosexuality because it is against the Lord Jesus," ayon sa stepdad ni Sofia.

Bagama't hindi tahasang binanggit ang pangalan ni Boy Abunda, siya lang naman ang may bansag na "King of Talk".

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Boy hinggil sa mga banat ni Alvin laban sa kaniya.

The post Sofia Trazona sinita si Alvin Aragon sa patutsada kay Boy Abunda appeared first on Bandera.


Sofia Trazona sinita si Alvin Aragon sa patutsada kay Boy Abunda Sofia Trazona sinita si Alvin Aragon sa patutsada kay Boy Abunda Reviewed by pinoyako on March 25, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close