BREAKING NEWS

LGBTQ member Poca never hinusgahan ng mga magulang na pastor

LGBTQ member Poca never hinusgahan ng mga magulang na pastor
Alvin Aragon at Poca

"WE will pray for you, anak." Iyan ang laging sinasabi sa social media personality at proud LGBTQ member na si Poca ng kanyang mga magulang.

Never daw siyang hinusgahan at pinagsalitaan ng masasama ng kanyang parents nang mag-out siya sa mga ito bilang isang gay.

Nahingan kasi ng reaksyon si Poca tungkol sa kontrobersiyal na pahayag ni Alvin Aragon na ipatatapon daw ni Lord sa impiyerno ang mga bading at tomboy.

Sa vodcast na "Your Honor" hosted by Chariz Solomon and Buboy Villar, naikuwento ni Poca ang relasyon niya sa mga magulang at ang saloobin sa mga panghuhusga ni Alvin sa LGBTQIA+ community.

Sabi ni Alvin, "Ang daming bash ni Izzy (Trazona, asawa niya) doon pa lang sa anak niya naging…pinili ang direksyong maging bading. Ang dami nang bash, e. Hindi raw tinanggap kasi bading.

"Totoo naman. Ano ba sabi sa Bible? God judged the homosexuality. Read the Genesis 17, 18, and 19. Those men in Sodom and Gomorrah want to have sex with other men. And God judged that Sodom and Gomorrah even until now," ayon pa kay Alvin.

Reaksyon naman ni Poca, "Ito ha! I'm not going to talk about him (Alvin), I'm just gonna talk about my story.

"Both of my parents are pastors. But I have never, ever heard of them discriminating against me because of my gender. All they say is, 'We will pray for you, anak.' Wala ako naririnig na kahit ano," aniya.

Patuloy ng vlogger, "Kagabi nga, ewan ko, sobrang close namin ng family ko, parang sinabi ko, 'Ma, pag-pray mo naman ako, medyo nai-stress nitong mga nakaraang araw."

Nagpadala raw ng voice message sa kanya ang ina kung saan maririnig ang pagdarasal nito para sa kanya, "We are so open to each other."

Aniya pa, pwede naman daw magkasundo at magkaroon ng magandang ugnayan ang mga miyembro ng LGBTQIA+ at ang mga relihiyosong tao.

"You can have your faith, and I can be me without being discriminated. We can co-exist naman.

"Hindi naman ako masamang tao, just because I'm gay, it doesn't mean that I'm a bad person. 'Yong iba nga straight, ang sama-sama naman," sey pa ni Poca.

Sumikat sa madlang pipol si Poca sa kanyang "unfiltered skits" tungkol sa mga kaganapan sa pang-araw-araw nating buhay, kabilang na ang mga hugot niya sa pagtatrabaho at pagsweldo.

The post LGBTQ member Poca never hinusgahan ng mga magulang na pastor appeared first on Bandera.


LGBTQ member Poca never hinusgahan ng mga magulang na pastor LGBTQ member Poca never hinusgahan ng mga magulang na pastor Reviewed by pinoyako on March 25, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close