Kween Yasmin totoong buntis na ngayon, si Elmer Villacura ang tatay

CONFIRMED! Nagdadalang-tao na nga ang kontrobersyal na social media personality na si Kween Yasmin.
Ibinalita ito mismo ng content creator sa panayam ni Jeff Asistio sa kanyang vlog titled "Ang Rebelasyon ni Kween Yasmin" sa gitna ng mga pamba-bash sa kanya ng ilang netizens.
Unang lumutang ang balitang pregnant si Kween Yasmin noong January, 2026 courtesy of her boyfriend Elmer Villacura, pero mariin niya itong pinabulaanan.
Pero sa panayam nga niya kamakailan, inamin niyang two weeks pregnant na siya ngayon at ang tatay nga ay si Elmer.
"Hindi ko lang po masabi through Facebook po, social media accounts po, or in that way po pero sasabihin ko naman po soon po na meron po akong supling na anak po soon mula po kay mahal asawa ko Elmer Villacura a.k.a9 Troy Tuyor," ang pahayag ni Kween Yasmin.
Shookt nang slight si Jeff sa rebelasyon ng vlogger kaya pinaulit niya ang statement nito, "Supling na anak po."
"Buntis ka ngayon?" pag-ulit ni Jeff. "Opo," sagot ni Kween.
"Pero po sasabihin ko naman po sana soon, pero siyempre kailangan po meron din po tayong mailalaan na oras para sa work.
"Siyempre 'yun po muna yung inuuna ko po kaya hindi ko po masabi-sabi sa pampublikong mamayang Pilipino," aniya pa.
Nang matanong kung excited na siyang maging nanay, natawa si Kween sabay sabing, "Sakto lang."
Hindi pa raw siya ready na maging ina pero itinuturing niyang blessing ang ipinagbubuntis na anak. Pinaghahandaan na rin daw nila ng kanilang partner ang pagdating ng kanilang baby.
Matatadaang nagsalita noon si Kween sa natatanggap niyang batikos mula sa netizens tungkol sa umano'y pagbabago sa kanyang ugali, ito ngang pregnancy rumors at iba pang uri ng cyberbullying.
"Iisa-isahin ko na lahat para madama nyo din na nasasaktan ako. Masaya pero deep inside it really hurts," aniya.
Sabi pa niya noon nang mabalitan g buntis siya, "Iwasan po natin na magsabi ng mga hindi magaganda na ikakasira ng trabaho natin.
"Katulad nyo, iniingatan nyo yung image nyo at work nyo para hindi masira ng ganun ganun lang… Sinabi ko naman na paulit ulit sa chat na hindi ako pregnant. Kasi once na magkaroon ka na ng responsibilidad mahirap na takasan yan at lahat ng yan.
"Once and for all to all of comments section, please stop commenting like saying pregnant daw ako kahit hindi naman. 2026 na po kaya sana naman tantanan nyo na po kakasabi ng pregnant ako.
"Honest answer: I'm not pregnant, work po muna focus ko ngayon," ani Kween Yasmin na unang sumikat online noong 2018 dahil sa viral cover niya ng "Hayaan Mo Sila" hanggang sa tawagin na siyang "All-Purpose Kween."
The post Kween Yasmin totoong buntis na ngayon, si Elmer Villacura ang tatay appeared first on Bandera.

No comments: